Chapter 25: Leveling(part1)

10.8K 292 2
                                    


Aliah's POV

Hoy Arriana bilisan mo na diyan baka mahuli na tayo.

Tsss.excited masyado.
Bulong nito.

Bahala ka na nga diyan.
Uuna na ako sumunod ka na lang ok!
Aniya ko dito saka nagteleport sa field kung saan gaganapin ang leveling.
Ngayong araw ang simula ng leveling  at dalawang araw ang itatagal nito.
Nakita kong nakaupo na ang mga Royalties doon sa stage maliban kay Tyler.
Sa mga nakalipas na araw halos lahat ng royalties sa dorm na namin tumitigil kase gusto daw nila kaming makabonding .
Dalawang araw na  ang nakakaraan simula noong magising si arriana at dalawang araw na rin siyang inaasar ng mga studyante dito kase mahina daw ito ,wala daw itong kakayahang ipagtanggol ang sarili niya.
Dahil wala daw itong magic pero hindi nila alam na mas malakas pa ito sa kanila.Ngayon makikita nila kung ano nga ba ang lakas na meron ang sinasabi nilang mahina.Bulong ko.
Saka nagpunta sa magiging upuan ko,nasa unahan ito at katapatan pa ng mga royalties at ng mga King at Queen ng ibat ibang kaharian.

Ui asan si Arriana?
Biglang tanong ni mika gamit ang telepathy.

Iniwan ko sa kwarto niya,ang bagal kaseng kumilos.
Pero wag kayong magalala dahil pasunod na iyon.Aniya ko.

Ahhh ok.Maikling sagot nito saka bumaling sa mga kasama niya.
Umupo na ako at isinalpak ang earphone sa tainga ko habang wala pa si arrian,pero agad ko din itong tinanggal ng mapansin kong nagdadatingan na ang mga reyna at hari.
Magkakasabay dumating sina Queen Francheska At King Froiland ng Crystal Kingdom, Queen Geneva At King Loyd ng Narrian Kingdom.
Queen Evangeline At King Joseph ng Tharrian Kingdom. Queen Alissandra At King Anthony ng Airrian Kingdom
At Queen Nathalie At King Marco ng Syrrian Kingdom.
Napansin ko din ang pagtahimik nilang lahat at batid ko kung ano ang dahilan noon.
Makalipas lang ang ilang sandali ay dumating na si Tyler kasama ang parents niya na sina Queen Selena at King William ng Flire Kingdom.
At ang huli ay ang Hari at Reyna ng Valden Kingdom na sina Queen Nicole at King Matthew.
Ang gaganda talaga nila wala silang pinagbago sa nakalipas na panahon.
Pero nasaan na kayo iyong Arriana na iyon siya na lang ang wala at alam kong batid iyon ng lahat .
Magsisimula na ang leveling.Bulong ko.

Late na ba ako?
Biglang sulpot nito sa tabi ko.
Kaya napapitlag ako pati na rin iyong iba pa naming katabi na halos manlaki ang mata.
Hindi naman,pero muntikan na.Singhal ko dito pero nginitian niya lang.
Dumapo ang tingin nito sa unahan at katulad ng inaasahan ko nagulat ito.

Kanina pa ba sila dito?Tanong nito.

Medyo. Maikling sagot ko.
Magsasalita pa sana ito pero bigla na lang nagsalita ang MC.

Good morning everyone.Bati nito.

Alam kong ready na kayo kaya uumpisahan na natin ang leveling.
Magsisimula tayo sa dinary section.
Susunod ang Vailer Section at ang huli ay ang Sailor Section.
Goodluck  to all of you.
Dugtong nito at saka sinabi ang mga unang lalaban sa mga giant.
Hindi tao ang makakalaban namin dito kundi ibang nilalang.
Katulad ng halimaw at mga giant.
Ang level na makukuha mo ay depende sa mga halimaw na mapapatay mo.
Kapag napatay mo silang lahat at ang level mo ay umabot ng 80 pataas  may tyansa kang makapasok sa Sailor Section kung saan mga royalties ang nandoon.
Halos lahat ng nandito ay excited dahil  umaasa silang makakapasok sa Sailor Section pero isa lang ang alam ko, hindi iyon madali.
Dahil hindi basta basta ang mga halimaw na makakalaban namin dahil meron ang mga itong lason na makakapagtanggal ng lakas mo sa oras na malagyan ka nito.
Maaari ding ikamatay mo ito kung hindi ka magiingat.
Tatlong minuto lang din ang itatagal ng laban kaya mahirap talaga.

Bakit ba kase may ganito pa?Asik ni arriana.
Tss!kadarating mo lang pero kung makapagreklamo ka wagas.
Sita ko dito kaya tumahimik na ito pero kunot na kunot pa din ang noo nito.
Pinanood ko na lang ng laban at tinitingnan ang bawat galaw nila.

Arriana's POV

Tsss.nakakainip.

Kanina pa kami dito at patapos na ang dinary at vailer section.
Kaya sailor section na ang susunod pero nakakapagtaka lang dahil hindi pa kami tinatawag .

Miss Krisha Mendoza.
Tawag ng Mc.
Kaya mabilis itong nagteleport sa battle field.

Agad nitong tinira ang mga giant na nagsilabasan at halos natatamaan niya ito,nakakapagtaka lang dahil may lumalabas ditong ibang mahika gayong sun user ito at batid kong hindi ito napapansin ng karamihan.
Natapos ang tatlong minuto at nakakuha siya ng Level 55.
Sumunod naman ay si Eliza na nakakuha ng level 56  at si janna na nakakuha ng level 53.

And now our royalties.Biglang salita ng Mc.Na naging dahilan para magsigawan ang mga nandito.
Tssss.Ingay.

Nauna si lycka na nakipaglaban sa mga giant at masasabi kong hindi iyon katulad ng giant na kinakalaban ng iba kanina.Pagkatapos nito ay sumunod na ang iba pang royalties.

Fast Forward

Si Dylan na ang nasa gitna ng Battle field at kitang kita mo sa kilos niya na handa na talaga siya.

Walang pang ilang segundo ay biglang nagsilabasan ang mga giant pero halos mapanganga kami ng wala pang dalawang minuto ay ubos na agad mga ito.
Bumalik si dylan ng nakangiti na lalong naging dahilan para magingay ang mga babaeng nandito hindi lang babae pati lalaki.

Good job! Prince Dylan
Bati ng mc saka tinawag si tyler na hindi mo makikitaan ng kahit konting emosyon.
Iniikot niya ang mata niya na tila may hinahanap at ng tumigil ito sa pwesto ko ay ngumiti siya kaya nginitian ko din siya,halos lahat ng nandito ay nakatingin sa amin at gulat na gulat.

Pumunta ito sa gitna at nagsimula na ang laban.
Mas lalong dumami ang mga giant at mas malalaki pa ito kesa kanina.
Gumamit siya ng Fire tornado  at Air tornado na pumalibot sa mga giant at wala pang isang minuto ay patay na ang mga ito.Walang natira  ni isa.
Napatayo kami dahil sa nasaksihan namin,ganoon na ba talaga siya kalakas?
Bumalik ito sa upuan niya at nakita ko na nakatingin sa kanya ang lahat ng royalties pati na rin ang mga Queen at King na may ngiti sa labi.

Sa palagay ko ay inaasar siya ng mga iyan.
Siko sa akin ni aliah na ang lawak ng ngiti!

Amazing.Prince Tyler.
Bati uli ng mc.
Alam kong halos lahat kayo ay kanina pang inaantay na makita ang kakayahan ng dalawang transferie kaya ito na .
Akala ko hindi na kami tatawagin.

Miss Aliah Jane Viela. tawag ng Mc kay aliah na ikinagulat ng mga nandito at pati na din ng mga King at Queen na nagtinginan pa.Anyare?

Mabilis na nagteleport si aliah sa gitna kasabay ng pagsulpot ng mga giant,pero napansin kong bago ito magsimula lumingon ito kina Queen Nathalie At King Marco pati na din kay aldrin na nakangiti  at nagthumbs up.Para silang magkapatid kung titingnan.
Halos lahat ng nandito ay nagbubulungan tungkol kay aliah.

Hindi kaya siya si princess aliah ng Syrrian kingdom.

Baka nagkataon lang.

Pero patay na ang prinsesa diba kasabay ng pagkamatay ng nakatakdang prinsesa.

Hindi pa pala nila alam na kapangalan namin ang dalawang prinsesa na tinitingala ng lahat.
Sabagay kilala lang nila kami sa mukha pero sa pangalan hindi.

Biglang umungol ang isa mga giant na kumuha ng pansin ko at nakita ko na nagyeyelo ang buong katawan nito,pero may isang bagay akong napansin hindi lang isang elemento ang ginagamit niya kundi dalawa.
Sa isang iglap ay tatlong giant na sugatan lang ang natira saktong natapos na din ang tatlong minuto.
Kitang kita ko kung paano nagulat ang lahat sa nakita nila,lalong lalo na si aldrin na kaunaunahang tumayo ng matapos si aliah!May something talaga sa dalawang ito.
Nakatayo na din ang lahat ng royalties dala ang pagtataka sa mukha nila.
Samantalang ang mga Queen at King naman ay nakatingin lamang ng may paghanga sa kanilang mga mukha.

Wow!Alam kong hindi pa kayo nahihimasmasan pero no choice ako kundi ang tawagin ang isa pa. anya ng mc.

The Lost Legendary Princess Of Valden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon