Chapter 70

9K 202 12
                                    

Agatha's POV

Siya pala ang prinsesa.Di ako nainform doon ah.

Flashback.

Iwan ko muna kayo,may gagawin lang ako.paalam ko sa mga kasama ko.Hindi ko na sila inantay na sumagot dahil agad akong umalis.
Nagpunta ako sa Office nina Hm at saktong ang nandoon lang ay sina Tita cass,minerva,jomar at hm lenn.Wala si Hm julius.Napangiti ako ng pumasok sa isipan ko ang isang bagay na nagawa ko na dati.Ang magbalat kayo.Tiningnan ko muna ang paligid para makasiguro na walang makakakita sa pagpapalit anyo ko.Wala pang ilang segundo ay pumasok na ako sa office pero hindi bilang agatha kundi bilang si Hm julius.

Oh mabuti naman julius at nandito ka na.Bati kaagad ni jomar.

Bakit may mahalaga ba kayong sasabihin?

Julius,nakausap mo na ba ang prinsesa?Tanong ni Hm lenn

Hindi pa.Kayo nakausap nyo na ba siya?Balik na tanong ko dito.

Hindi ko pa nakikita si arriana kaya hanggang ngayon hindi pa rin namin siya nakakausap.Sagot ni Tita cass.

Si arriana?

Alam nyo ba kung saan siya tumitigil kapag wala dito?

Hindi.Para kang tanga, alam mo ba iyon?anya ni Hm lenn na simangot na simangot.

Bakit?

Nagawa mo pang itanong sa amin iyon.Para namang hindi kita kasama lagi.Anya nito.Kaya nginitian ko na lang siya.Hindi nyo naman talaga ako nakakasama lagi.

Si arriana at ang mga royalties kailangan natin silang mapagayos para makagawa na tayo ng paraan para mas maging ligtas ang Academy.Anya ni minerva.

Tama nga si lycka sa hinala niya na si arriana ang anak nina Queen Nicole at King Matthew hindi na kami mahihirapang patayin siya.

Maghanda ka Arriana,dahil nalalapit na ang pagbagsak mo kasama ang mga kahariang nasasakupan nyo.

End of flashback.

Akalain mo iyon,nasa tabi na pala natin siya wala pa tayong kaalam alam.Buti naman at ginamit mo ang utak mo agatha!Nakangising sabi ni ria.Peste ito hindi na lang nagpasalamat.

Hoy kayong dalawa,narinig nyo ba iyong sinabi ko.Na iyong arriana na kaibigan nyo ay ang prinsesa pala.Sayang ano,kase hindi nyo na siya makikita.Kase mamatay na kayo ngayon.Anya ko sa dalawang bihag namin.

"Papatayin kami?Akala ko ba hindi nyo kami papatayin?"Girl 1

Ay nasabi ba namin iyon?Sorry ha kase nagbago na ang plano ni dad.Sabi niya kase kahit patayin na namin kayo ngayon okay lang kase wala na siyang pake sa inyo.Alam mo ba kung bakit kase ang prinsesa naman ang kukuhanin niya.Sagot ni shiela dito.

Magaling nga kung makuha nyo siya.Nakangiting sagot ni Sophia.

Yes,siya nga ang bihag namin.Kasama ang kapatid niya.Super thankful nga kami dahil hindi nahahalata ng mga royalties na ang mika at sophia na kasama nila ay isang clone lamang.

Well,Makukuha na namin siya kase nasa amin na ang isang taong magiging dahilan ng pagbagsak niya.

Do you think na ganon lang siya kadaling pabagsakin?Ngiting ngiting tanong ni mika.

Yes,because she is weak.Lalo na kung ang pamilya niya ang magiging pain namin.

Fine!Kung iyon ang tingin nyo.Wala na naman kaming magagawa di ba?Si sophia.Nagagawa pa talaga nilang sumagot.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Tito Alfred at Tita Venus.

Ayan andiyan na sila.Ihanda nyo na ang mga sarili nyo kase ito na ang huling araw na makikita naming buhay kayo.Nakangiting sabi ni lycka saka pumunta sa gilid.Sumunod naman kami dito.Lumapit sina Tito alfred sa dalawa na nakangiti pa din.Di ba sila natatakot na mamatay?

Last wish?si tita venus na may hawak ng isang punyal na alam kong may nakalagay na matinding lason.

None!Sagot ng dalawa.Mamatay na nga't sukat hindi pa din sila nakakaramdam ng takot kina tito.

Good!Sagot ni tito alfred saka lumuhod para makapantay ang dalawa.Hinawakan niya sa mukha si mika at hinalikan sa noo.Bago isinaksak ang punyal sa tapat ng puso.
Pagkatapos nito ay bigla na lang nagliwanag ang katawan ni mika.Tanging ang sigaw ni sophia ang narinig sa silid na ito.

Walang hiya kayo.Pagbabayaran nyo ito.Hindi kayo magtatagumpay sa mga binabalak nyo.Sigaw ni sophia.Agad namang lumapit si tita venus dito at Isinaksak din ang punyal sa tapat ng puso nito.Nagliwanag din ito katulad ng kapatid niya.Wala pang ilang segundo ay nawala na ang liwanag at tanging patay na mika at sophia na lang ang nakita namin.

"Tito paano nyo makukuha ang magic nila gayong patay na sila?"Shiela

Lahat ng magic nila ay nalipat na dito.Sagot ni tita venus habang nakatingin sa punyal na hawak niya na may dugo dugo pa.Ewww

"Eh paano iyon malilipat sa inyo?"Shiela

Kapag sinugatan namin ang sarili namin gamit ang punyal na ito.Lahat ng mahika nila ay mapapasaamin na.Nakangiting sagot ni tito alfred saka nagpaalam kasama si tita venus.

Tiningnan ko sina lycka na ang ganda ng ngiti.Ngiting tagumpay.

"Paano natin siya makukuha?"Ria

"Si dad na ang bahala doon.Ang importante ngayon ay ang mahuka natin ang elemental stones mula kina Hm.Kapag nakuha natin iyon mas madali nating makukuha si arriana.Kung hindi man natin makuha si arriana,okay lang iyon kase alam namin nina dad na sa mga oras na ito nanghihina na siya."Lycka

"Paano mo naman nasabi ang lahat ng iyan?"Shiela

"Dahil konektado ang lahat ng elemental stones sa kanya.Lalong lalo na ang crystal ring at elemental stones of fire."Lycka

Great!Ang bait ata sa atin ng tadhana.Nakangising sabi ko sa kanila.

"Kailan naman natin kukuhanin ang mga iyon?"Ria

Ngayon na!Sagot ko sa mga ito.

"Ang bilis naman ata?"shiela

Alangan namang patagalin mo pa.Sarcastic na sagot ni lycka dito.

Uuna na ako sa inyo.See you there!Paalam ko saka nagteleport sa academy.
Agad akong pumunta sa office nina Hm.Saktong bukas ito.Kaya naginvisible ako para hindi nila ako makita.
Si Tita minerva naman ang wala ngayon.Ibig sabihin siya naman ang gagayahin ko.
Agad akong pumasok sa Restroom at agad na nagpalit anyo.Buti na lang may magic ako na Shapeshifter.
Makalipas ang ilang sandali ay pumasok na ako sa office .

Oh minerva akala ko ba pupunta ka muna sa Isla para magpahinga?Bakit nandito ka na uli?Tanong ni Tita cass.

Ah naisipan ko kaseng wag ng tumuloy kase nakakainip doon at inutusan din ako ni arriana.Sagot ko.Tumango tango naman sila.
Hindi ko napansin kanina na nandito pala si aliah.Hindi na ako magtataka kung isa rin itong prinsesa.

"Ano nga palang iniutos sa iyo ni arriana?"Jomar

Ah kuhanin ko daw sa inyo ang mga elemental stones at crystal ring.

Bakit?Anong gagawin nya doon?seryosong sagot ni Hm lenn

Ewan ko.Basta ang sabi niya kuhanin ko daw sa inyo at ibigay ko na lang sa kanya bukas.Sagot ko.

Okay.Sagot ni Julius saka kinuha sa drawer niya ang isang kahon at agad na iniabot sa akin.Ang galing talaga nilang malinlang.
Binuksan ko ang kahon at sumalubong sa akin ang pakay ko.
Akalain mo nga naman.Nakuha ko agad ang mga ito ng walang kahirap hirap.

Makakapaghigante na din ako sa inyo.

The Lost Legendary Princess Of Valden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon