Ria's POV
Hoy kayong dalawa,hindi ba kayo kakain?
"Sa tingin mo ba kakainin namin iyang dala mo?"
Bakit hindi?
"Paano kung may lason iyan?"
E di mabuti,pero wag kayong magalala wala itong lason kase hindi pa kayo pwedeng mamatay.Gusto naming makita nila kung paano namin kayo papatayin.
"Paano kayo nakapasok sa Academy ng hindi nila nalalaman na taga Valmoor Kingdom kayo?"
Sa tingin mo bakit nga ba?
"Wag nyong sabihin na hindi lang kayo ang trydor sa academy?"
"Exactly!"Shiela
At walang makakaalam noon.Malalaman lang nila ang lahat kapag napasaamin na ang lahat.dugtong ni shiela
"Sa tingin nyo ba papayag kami na kayo ang mamuno sa Buong magic world.Magkakamatayan muna tayo." Nagtinginan silang dalawa saka tumawa.May nakakatawa ba sa sinabi namin?
Hindi ko alam kung saan kayo kumukuha ng lakas at tapang para sagut-sagutin kami.Alam nyo naman pareho na konting pitik lang namin sa inyo patay na kayo.
Sira ulo ba kayo?Di ba kayo na ang nagasabi kanina na hindi nyo kami papatayin ngayon, kase gusto nyong sa harap nila kami mamatay?Pangaasar ng isa sa kanila.
Alam mo ba na noon pa man bwisit na bwisit na kami sa inyo,kase lahat ng gusto namin napupunta sa inyo?inis na sabi ni shiela dito.
Nginitian niya kami saka nagsalita.
"Katulad ng lalaking mahal ko?Hindi ba?"
"Yes!At kapag namatay ka sa akin na siya mapupunta."Shiela
Siguradong sigurado ka naman?Pagsabat ng katabi nito.
"Kinakausap ba kita?"Shiela
"Hindi,Baka kase mamaho ang laway ko kapag hindi ako nagsalita!"
Tumahimik ka nga!Sighal ko dito pero inirapan niya lang ako.
Kayong dalawa,gusto lang naming sabihin sa inyo na ihanda nyo ang mga sarili nyo kase baka mamaya o bukas wala na kayong magic!Malademonyo kong anya sa mga ito na ikinakunot ng noo nila.
"What do you mean?" Sila
"Sa tingin nyo ba papatayin na lang namin kayo ng basta basta?Hindi dahil bago namin kayo patayin sisiguraduhin muna naming wala na kayong magic.Sayang kase kung mapupunta lang sa wala!"Shiela
Hindi sila umimik at nanatili lang nakatingin sa amin.
See you later!Pangaasar namin saka umalis.
Arriana's POV
Andito ako ngayon sa garden na pinupuntahan namin ni tyler noon.
Ngayon lang pala uli ako nakapunta sa garden na ito.Simula ng umalis ako.What are you doing here?Malamig na tanong ng lalaking minahal ko na.Pero itinaboy lang ako.
Nothing.I'm bored kaya naisipan kong pumunta dito.Walang emosyong sagot ko.
"Can we talk?"
Naguusap na tayo diba?wika ko saka tumayo at akmang aalis na.
"Saan ka pupunta?"
Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo?Di ba ikaw na ang nagutos sa akin na huwag na akong magpapakita sa iyo.Bago ngayon tatanungin mo ako kung saan ako pupunta.Are you fooling me? Mahabang tanong ko dito.
"Arriana please pakinggan mo naman ang sasabihin ko."
Pakinggan?Bakit pinakinggan mo ba ako noon?Di ba hindi?
"Arriana,Hindi mo ako naiintindihan."
Bakit ako ba naiintindihan mo?Tangina tyler nagmukha akong tanga noong mga araw na iyon.Ilang beses kong inisip kung ano ba ang nagawa kong mali para paalisin nyo lang ako ng ganong kadali.
"Arriana,oo mali iyong ginawa namin.Pero hindi rin naman tama iyong ginawa mo.Kase muntikan ng mapahamak sina aliah dahil sa iyo."
Mapahamak?Tyler,Ni isa wala akong natatandaan na sinaktan ko sila.
Arriana naman,kinalimutan mo na ba lahat ng nangyari ng araw na iyon!Lahat kami kinalaban mo.Bago ngayon sasabihin mo sa akin na hindi mo natatandaan.pigil ang pagtaas ng tinig nito.
Tyler,hindi ko alam ang sinasabi mo.Siguro tama nga si kuya charles na dapat hindi ako nagtitiwala ng basta basta.Kase baka masaktan lang ako.Alam mo tyler sa buong buhay ko kayo lang ang pangalawang beses na pinakisamahan ko ng ganoon,pero sa huli ako pa pala ang magmumukhang masama.Ang unfair talaga eh no?Wika ko dito.
Mas mabuting wag mo na lang akong lapitan dahil masasayang lang ang oras mo.Dugtong ko saka siya tinalikuran.Tangina ang sakit.
Agad akong umalis sa garden na iyon at naisipan kong pumunta sa likod ng academy.Dahil kanina ko pang napapansin na may kakaiba doon.FastForward
Nandito na ako sa likod nakaupo at pinagmamasdan ang kalangitan pero napatayo ako ng maramadam ko na may paparating.Agad akong nagtago sa likod ng malaking puno.Wala pang ilang sandali ay lumabas sa portal ang tatlong taong minsan na ring naging parte ng buhay ko.
"Anong gagawin natin ngayon?"
Alamin natin kung ano pa ba ang mga susunod nilang plano.Para masabi kaagad natin kay Dad!Anya ng isa sa mga ito.Sinong dad ang tinutukoy niya?
Paano iyong dalawang bihag natin?Bihag?Sino ang bihag nila?
"Pabayaan muna natin sila ria,Sina Tita Venus at dad na bahala sa kanila." Ria?Anong ibig sabihin nito?Dad?Tita?
"Wait,bago tayo maghiwahiwalay.Nakita nyo na ba si arriana?"
Naaalala pa rin pala niya ako?
"Yes,Umatend siya ng klase kanina."
"Bumalik pa pala siya,akala ko naman namatay na."Ikaw ang patayin ko diyan eh.
"Kailan tayo babalik sa Valmoor Kingdom?"
Magkita tayo dito bukas ng 5 ng hapon.anya ng isa .
Tumango ang dalawa.Sige na bumalik na kayo sa mga dorm nyo.Baka may makakita pa sa atin.Mahirap na.Utos ng babaeng kinaiinisan ko.Sarap niyang patayin ng paulit ulit.
Okay!Sagot ng dalawa saka nawala.Isinarado naman ng naiwan ang portal saka mabilis ding umalis.
Hindi ak
o papayag na matuloy kung ano man ang pinaplano nyo.Never.
BINABASA MO ANG
The Lost Legendary Princess Of Valden Kingdom
FantasíaKilala siya ng lahat dahil sa pagiging gangster niya. Ang akala niya kilala na niya kung sino siya talaga pero nagkamali siya. Dahil dumating ang araw na napunta siya sa totoong mundong pinagmulan niya at doon niya nalaman ang lahat.. Nalaman niya...