Chapter 79

9.2K 193 4
                                    

Arriana's POV

Ready na kaming lahat.Sila na lang ang inaantay namin.Kung titingnan parang party lang talaga ang nangyayari ngayon pero hindi.Gising na din ang mga traydor nakita ko kase si agatha na lumabas sa kwartong kinalalagyan nila.Pilit nilang sinisira ang barrier na ginawa namin ni tyler pero hindi nila kinakaya.Lakas ba namang iyon.

Bogsssshhhhhh.Malakas na pagsabog ang narinig namin.They are here.Nagtinginan kami ni tyler at agad ko naman siyang tinanguan.Alam na niya na iyong kasama nilang sophia noong nakaraang araw ay clone lang kaya inutusan ko siya na isama muna si sophia at mika sa office ni Hm.Samantalang ako naman ay nagpunta sa training room at pinakawalan iyong Dalawang clone.Palibhasa'y clone lamang kaya nakalimutan agad ang ginawa ko kani- kanina.Noong makalabas sila ay sumunod na ako kina tyler.Niyaya ko silang lumabas at maginvisble na lamang para hindi nila makita.
Kitang kita naming nagulat sina alfred ng makita niyang naka armor suit ang lahat.

Andito na sila.Akalain mo nga naman itong si Alfred ilang taon na din kaming hindi nagkikita pero wala pa din siyang pinagbago.Mukha pa ding Piranha.anya ni mom gamit ang telepathy.Napatawa namin kami.

"How are you Alfred?Did you miss the Academy?"Cassiopeia

Wala na dito ang mga queen at King,umalis na sila at nagpunta na sa kani kanilang kaharian.Mahirap na kase  baka doon sumugod ang ibang taga Valmoor. Tanging sina mom at dad na lang ang natira.

"Paano niyo nalamang susugod kami ngayon?"Alfred

Bobo ka kase.

"Kung sa tingin mo matalino ka alfred,pwes nagkakamali ka.Mas matalino pa din kami sa iyo."Acrasia

Very wrong.Kung sa tingin nyo matatakot nyo ako sa ginawa nyong paghahanda.Malaking pagkakamali.Dahil wala pa din kayong laban sa amin.sabat ni venus na mukhang daga.

Let's see.sagot ni dad dito.

Narinig namin ang malakas na pagsabog sa hilagang bahagi ng academy.Mabuti na lang at napaghiwahiwalay  namin ang nga studyante.

"Bakit hindi nyo ilabas ang prinsesa?Natakot na ba siya amin?"Alfred

Si arriana.Matatakot sa inyo?Asa!Inis na sagot dito ni kuya dylan.

Bakit hindi siya lumalabas?biglang tanong ni eliza na sumulpot na lang bigla kasama sina sophia.Este sophia at mika na clone.

Nagulat naman sina aliah sa nakita nila.Ganan din ang reaksyon ko noong una.

Bakit kasama niyo si sophia at mika?Tanong ni althea na hindi na maipinta ang mukha.

"What do you think?"ria

Tangina,wag nyong sabihing traydor din kayo?sigaw ni aldrin.

Wag kang masyadong highblood babe.Aniya ni shiela dito.

Ibabe ko kaya iyang mukha mo.bulong ni sophia na sa tingin ko ay gigil na gigil na.

Hahah.Di ba sinabi ko naman sa inyo na matalino ako.Kaya kahit ano man ang ginawa nyong paghahanda ay wala pa rin iyan sa amin.Mas malakas na kami ngayon kesa sa inyo.
Tanging ang prinsesa na lang naman ang hindi namin nakuha dahil hindi namin ito mahuli huli.Pero ngayon wala na kaming pake kase maya maya pa lang babagsak na din siya.Mahabang lintanya ni alfred.Bagsak mo mukha mo.Feeling mo naman hindi ko napaghandaan ang mga ipapain mo.

Hello, Royalties andiyan pala kayo?Tanga din ito kanina pa niyang nakikita bago ganun ang tanong.Sarap tadyakan sa mukha.
Kamusta naman kayo?Alam nyo ba na hanggang ngayon natatawa ako sa inyo kase hanggang ngayon pala hindi nyo alam na ang kasama nyong sophia at mika ay peke.Akala ko pa man din matatalino kayo.Dugtong ni Venus.

What do you mean?Tanong ni mom at dad.

Anong peke?Sabay sabay na tanong ng royalties.

Iniikot ko ang paningin ko at nakita kong halos masira na ang labas ng academy dahil sa labang nangyayari.

Itong sophia at mika lang namang ito ay isang clone lamang.Dahil ang totoo ay matagal na naming pinatay.Nakangiting sabi ni eliza.
Bakit hindi pa tayo magsimula para matapos na ang lahat.Dugtong naman ni shiela sa sinabi nito.

Tiningnan ko ang mga royalties at kitang kita ko sa mga mata nila ang galit.

Dad!Mam!tawag ng kadarating lang.Ayan kumpleto na sila.Dumating na sina Lycka na sobrang sama kung makatingin.

"Mabuti naman at andito na kayo." Alfred.

"Kaya nyo pa bang lumaban?"Shiela

Bakit hindi pa lumalabas ang sinasabi nyong prinsesa.Hindi ba niya nakikita na nahihirapan na ang mga studyante dito.Turo ni ria sa mga naglalaban sa bandang likod niya.Isa pa itong tanga,amin daw iyong nahihirapan eh iyong kanila nga ay paubos na.

Masyado naman kayong excited na makita ako.Andito ka pala eliza este Ria.Ang ganda naman ng pangalang ginamit mo.May pa eliza ka pang nalalaman.
Ay andito ka rin pala Krisha este Shiela.Bilib talaga ako sa inyong dalawa.Akalain nyo iyon nagawa nyong makapasok dito sa academy ng hindi nila nalalaman na anak at pamangkin kayo ng Reyna at hari ng Valmoor Kingdom.Napakatalino naman.I salute you.My friends este My fake friends.Bigla lang naman akong  nagpakita sa kanila na ikinagulat nila ng todo todo.Sagad na natin para mas cute.Ganda ko kase.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa amin?"Shiela

Kase hindi ako bobo.

Magsasalita pa sana ako ng biglang sumugod si lycka kay Kuya dylan.Di talaga makapagantay eh.

Pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sa kaibigan namin.Sigaw ni althea saka sinugod si agatha.This is it.

May mga sumugod na din sa amin.Grabe ang dami pala nila.Wow magic.

Nagsimula na kaming makipaglaban at kanina pa akong natatawa kase parang wala lang sa amin.Para silang mga gutom na hindi ko maintindihan.

Hello kamusta.Arriana.Nice to see you again.Sulpot ni claire at agad akong sinipa.Puta di ko agad siya nakita ah.
Agad akong tumayo at nilapitan siya.Nagtraining ng husto ang babaeng ito.

Akalain mo nga naman traydor ka rin pala.Ang sarap nyong pakainin ng napakaraming plastik.Nakangising sabi ko dito.Sasaksakin niya sana ako kaso gumawa ako ng invisible water sword at sinaksak siya.Sorry wala akong awa sa mga kagaya mo.Nilingon ko sina Mom at dad sila pala ang nakikipaglaban kay alfred.Bago si tita cass naman ay kay venus.Ang mga royalties di ko na alam kung nasaan tanging si aldrin at aeron na lang ang nakikita ko.

Agad akong lumapit kay lycka kaso naramdaman niya ata dahil mabilis siyang humarap sa akin.

Natutukan niya kaagad ako sa leeg ng fire sword niya pero nasipa ko ang tuhod niya.

T*ngina kang babae ka.Ang dami mo ng kasalanan sa akin.Bwisit ka talaga.Sigaw nito saka mabilis na nawala.Opss agad akong naginvisivle at pumunta sa taas ng puno.Akala mo ikaw lang ha.Napatingin ako sa may gate.Sirang sira na ito.May mga malalaki ding giant na nandito.Talagang si alfred ang hilig sa nga kamukha niya.

Hoy lumabas ka sa pinagtataguan mo.Sigaw ni lycka na nasa baba.Mamaya kita babalikan.

The Lost Legendary Princess Of Valden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon