Chapter 35

9.3K 265 10
                                    

Arriana's POV

Kaasar naman oh,Bakit kase Air wings ang lumabas na pakpak sa akin kanina,ayan tuloy nakita nila.Pihadong kanina pa sila nagtataka.

"Hoy babae,Ang lalim ata ng iniisip mo?" Aliah

Hindi naman,Bakit gusto mong sisirin?Tanong ko dito na ikinataas ng kilay niya.

Di ka talaga makausap ng matino.Reklamo nito saka tumigil sa paglalakad at inantay sina sophia.

Kain ka muna. Biglang sulpot ni tyler sa tabi ko.

Wag kang sulpot ng sulpot kase baka matamaan ka sa akin pag nagkataon. Anya ko dito saka kinuha ang inaalok niyang  pagkain.

Anong balak mo kapag nakuha na natin lahat? tanong nito.

I don't know.

Sinabi ko kay dylan na bantayan niya muna ang mga kasama natin kapag  nakuha na natin lahat ng elemental stones kase may gagawin lang tayo.Anya nito kaya napabaling ang tingin ko sa kanya.

Naunahan mo ako doon ah.Sabi ko rito saka nagsimulang kumain.Wait lang kumain ka na ba?

Bakit susubuan mo ako?Tanong nito kaya siniko ko siya.

Hindi pa ako kumakain kase hindi pa ako nagugutom. Sagot niya, sabi ko na nga ba at iyon ang isasagot ng damuhong ito.

Ang sarap mong sapakin. Anya ko dito.Iimik pa sana siya pero agad kong isinubo sa kanya ang Donut na ibinigay niya sa akin.

Hoy may tao pa dito sa likod oh.
Sigaw nina aldrin pero hindi na lang namin sia pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Tyler's POV

Nakakapanibago siya.

Oh kainin mo na ito ,busog na ako.
Nabusog na siya sa kaunting iyon.

Ikaw na.Alam kong gu.....

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng isubo na naman niya iyong hawak niyang donut.

Tsk.Dapat ikaw na lang ang kumain hindi ka tuloy nabusog.

Ok lang. Nakangiting sagot nito.

Ang ganda niya.

Paano ko ba mapipigilan ang sarili ko na mahalin ka? Bulong ko para hindi niya marinig saka siya hinawakan sa kamay habang naglalakad.
Buti na lang hindi umangal.

Hoy kayong dalawa baka nakakalimutan nio na may hahanapin pa tayo. Biglang sulpot ni aliah sa harapan namin.

"Hindi namin nakakalimutan,actually andito na tayo kung saan natin makikita ang elemental stones of light." Arriana

Paano mo nasabi? Lycka

Bakit hindi ninyo pagmasdan ang paligid? tanong ko sa kanila .

Tumahimik muna sila sandali at pinagmasdan ang lugar kung saan kami naroon.

"Oo nga no.Ang sakit sa mata sobrang liwanag." Ezekiel

Isang oras lang ang pwede nating itagal dito dahil maari tayong mawalan ng malay sa loob ng isang taon kapag hindi tayo nakalabas kaagad dito.Paliwanag ni arriana na ikanlaki ng mga mata nila.

Isang taong mawawalan ng malay? Nagmumutlang tanong ni aldrin ,oh anyare sa isang ito.

Tumango naman kaming dalawa ni arriana.Kaya kung gusto nio pang makalabas hanapin na natin ang elemental stones of light. Anya ni arriana na sinangayunan nila.

****Minutes passed****

Guys wait lang kanina ko pa kaseng napapansin na parang may kakaiba doon sa may tower na iyon oh.
Anya ni althea kaya tiningnan namin kung anong tower ang sinasabi niya.May kakaiba nga.

Tower? tanong nilang lahat maliban sa amin nina arriana,ezekiel.

"Wala naman kaming nkikitang tower ah.Puno meron pero tower wala!" Aldrin

Arriana nakikita mo din ba?Tanong dito ni Ezekiel kaya napatingin kaming lahat sa kanilang dalawa.

Oo at sa palagay ko andyan ang elemental stones of light. Pagmasdan mo iyong nasa tuktok may isang bato doon na sobrang tingkad ng liwanag, maaaring iyon ang hinahanap natin. Anya nito na ikinagulat ko.
Bakit nakita niya ang lahat ng iyon?

Kung ganoon kailangan ko na itong puntahan at makuha para makalabas na tayo. anya ni Ezekiel na inilabas na ang kanyang pakpak.

Wait lang pag pumunta ka sa tower na iyon magingat ka sa mga kidlat .Iwasan mong matamaan ka nito.Pahabol ni arriana kay ezekiel.

Tumango lang ito saka lumipad ng mabilis.

Arriana sino ka ba talaga?Bakit alam mo ang lahat ng ito? Tanong ko sa sarili ko.

Guys 20 minutes na lang pala at magiisang oras na tayo dito . Kailangang makuha kaagad iyon ni ezekiel. Si mika na halatang kinakabahan .

"Kalma mika,makakabalik siya kaagad."Althea

Ezekiel POV

Kingina muntikan na ako sa kidlat na iyon ah!Buti na lang at naiwasan ko kaagad.

Eto na ata iyon! bulong ko ng makalapit ako sa tuktok ng tower.Kung maliwanag kapag tiningnan sa baba mas maliwanag kapag andito na sa taas,kung hindi light ang magic ko baka kanina pa akong patay.

Agad kong kinuha ang elemental stones of light at agad na lumipad pabalik sa mga kasama ko kasabay ng pagguho ng ibat ibang bahagi ng tower.

Ano nakuha mo ba? tanong ni aliah ng makababa ko.

Tumango ako at ipinakita sa kanila ang elemental stones of light .Tara na guys lumabas na tayo gumuguho na ang tower pag hindi pa tayo nakalabas tayo ang mababagsakan noon! anya ko sa kanila kaya agad silang naglabas ng pakpak at lumipad para mas mabilis ang paglabas namin sa lugar na ito.
Tiningnan namin ni tyler kung wala bang naiwan pero natigilan kami ng napansin namin ang pakpak ni Arriana at Aliah.Hindi ito isang ordinaryong pakpak lang.Hindi nga kaya tama ang hinala namin na sila ang mga nawawalang prinsesa.

Tyler,Ezekiel ano bang ginagawa nio diyan ,tara na. sigaw nina sophia na sobrang layo na sa amin.

Ezekiel sa likod nio.sigaw ni mika kaya napabaling ako ng tingin sa likod pero ang sumalubong lang sa amin ay ang bumabagsak na mga bato at nabagsakan si tyler na naging dahilan para mapaupo siya kaya agad ko siyang niyakap.

Tyler gumising ka.Pukaw ko dito dahil nawalan ata siya ng malay.Bakit kase hinarang mo iyong bato na tatama sa akin? Tanong ko dito pero wala akong nakuhang sagot.Kingina dito na ata kami mamamatay pero bigla na lang nagliwanag at nagkaroon ng  shield sa paligid namin na pumipigil sa mga bumabagsak na bato.

Magpapakamatay ba kayong dalawa?Sigaw ni Arriana na halatang galit na.Hindi ako nakasagot dahil nakakatakot talaga siya.Para siyang mangangain ng tao.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tapat ko saka inihiga si tyler sa lap niya.

Kumapit ka sa akin. malamig na utos niya kaya tumango na lang ako at napapikit.Nakakatakot kase eh.

The Lost Legendary Princess Of Valden KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon