xxx
Edward
Nandito na kami ni Marco sa hotel sa shaded area near the pool, hinihintay si Marydale
Nagsalita ako sa lapel ko
Edward
"Viv anong sabi ni Ms. Tricia? Makakarating ba daw si Marydale?"
Viv
"Oo Edward. Nagtext siya sa akin na umalis na papunta dito."
Edward
"Ok! Thank you."
Nakasuot ako ngayon ng white polo short sleeves and khaki short pants. Nakasuot din ako ng rayband shades. May dala akong clear file may laman mga sample designs ng furnitures. Hiniram ko muna kay mommy yung mga designs namin. Kaharap ko si Marco.
Nakasuot si Marco ng rayband shades at windbreaker (cap). Nakasuot siya na white polo shirt and golf pants. Over-all look, para siyang kagagaling lang ng golf. Siya ang pagpapanggapin kong si Mr. Hoffman. Haha!
Edward
"Yong same position, ok? Kay Marco ka muna, kapag umalis na siya, tska mo ipaling sa akin ang camera mo. Viv same pa din, kay Marydale ka. Kisses, ok ba audio?
Yong, Viv, Kisses
"OK! / Ok! / Ok ang audio mo."
Edward
"Marco, ang galling mo nung isang araw ha, sa may art exhibit? Paano mo nalaman na dapat tahimik lang ako? Ang lupet mo talaga!"
Marco
"Edward binasa mo ba talaga info niya? Nakalagay dun na mahilig sa sa broadway musical, tapos nagtatraabaho siya sa spa. Meaning observant siya. He's more on the listening type than the storyteller. Kaya lang nagulat ako inaya ka niya. Hahaha! Baka nakuha mo talaga attention niya unintentionally..."
Nakangisi sabay taas baba yung kilay niya.
Marco
"At nakakagulat pa, writer siya ng stage plays. Hindi niya sinulat yun ha, ang nakalagay lang is yung pagiging part-time Spa supervisor siya. Kaya Edward ingat ka sa mga info na binibigay mo. Baka mamaya nagmemental note na siya. Malawak ang vocabulary nila. Ang alam ko sa mga writers, observant yang mga yan kasi dun sila nakakakuha ng inspiration."
Edward
"Ano ka bro, hindi ganun yon. May book or story na dun binabase ang mga sinusulat nila."
Biglang nagsalita si Kisses
Kisses
"Guys, positions. Nasa vicinity na si Marydale. Papunta na sa may pool area."
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanfictionDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...