xxx
MayMay
Edward
"Yan na ata ang pinakamahaba mong entry for today."
Ng marinig ko nagsalita si Edward, sinarado ko agad ang laptop ko.
MayMay
"Binasa mo?!?!?"
Edward
"Love, tulog na..."
MayMay
"Nabasa mo!?!? Mon Amour naman e! Sabi ko sayo wag mong babasahin ang mga sinusulat ko. Invasion of privacy yun e. Nawawala ako sa focus kapag ganun e. Nakakainis ka naman e..."
Tumayo ako at nakita kong niready na ni Edward ang pantulog ko. Nakaupo siya sa kama at hinihintay niya ako.
Kinuha ko yung pantulog ko at pumunta sa cr. Nagpalit ng pantulog at lumabas.
MayMay
"Mon Amour, wag mong binabasa yung mga ganun. Siguro kahit magasawa tayo at hindi mo nakilala si Amour Diva by accident, hindi mo pa din siya makikilala."
Edward
"Oo na. Hindi ko na nabasa. Matulog na tayo gabing-gabi na. Pinupuyat mo masyado si Baby."
Hinila ako ni Edward at napaupo sa hita niya.
Edward
"Love, sorry na. Nacucurious ako sa ginagawa mo e. Kanina pa kita pinapagpalit ng damit hindi mo ata ako naririnig. Tska Love, gabi na. Past bedtime mo na. Kawawa si baby napupuyat. Gusto mo ba si mommy ang papuntahin ko dito, para siya ang magpatulog sayo?"
Habang kinakausap ako ni Edward, humga na kami at patuloy prin siya sa paghimas ng tyan ko. I'm now 6months pregnant sa first baby namin.
Christmas season namin napagkasunduang magpakasal ni Edward after 2years of preparation. Hindi naman kami parehas nagmamadali at para maayos ng mabuti ng mga taong pupunta ang kanilang mga visa and stuff. Sa France namin ginawa para malapit sa family ni Edward na nasa England at makapunta ang mga kapatid ko. Pinapunta ko nalang sila Nanay at Tatay tutal sa France naman kami talaga nagpapasko. As for Pat at Tricia, silang dalawa ang maids of honor ko kaya nilibre ko sila. From plane ticket, food to accommodation. Kaya sa apartment ko sila tumuloy. Si Edward naman ang nagsagot kay Marco kasi siya ang bestman niya. Sinagot lang niya ang accommodation ni Marco kaya nakikituloy siya sa bahay nila sa England.
After the wedding, patuloy ako sa trabaho ko sa France samantala si Edward nagresign sa trabaho niya sa Pinas. Ngayon nakatira siya sa England at nagtatrabaho sa isang PR agency. Magkalayo man kami, mas malapit naman ito kaysa sa Pinas. Tuwing weekend nagkikita kami. Naging ganun ang buhay namin pagkatapos ng kasal.
Kaya lang nabuntis kaagad ako makalipas ang 3 buwan.
Kaya ngayon, nagleave ako sa trabaho habang buntis at pansamantalang nakatira sa England kasama ang pamilya ni Edward. Napagkasunduan ng mga magulang namin na dito ako tumira kasi mas mababantayan daw ako ni Mommy Cath. Pati nga pala siya lumipad sa England ng malaman buntis ako. Naghire ng ibang tatao para sa furniture factory. Mas excited pa nga siya kaysa amin ni Edward.
MayMay
"Opo, eto na matutulog na. Gigisingin mo pa si Mommy e."
Edward
"Very good."
Sabay kiss sa lips. Hinihimas pa din niya tyan ko.
Edward
"Ngayon lang Love, sundin mo ako. Hindi ka ba natatakot ang laki-laki ng tyan mo? Hindi mo na nga halos maabot ang lamesa kapag nagtatype ka sa sobrang laki ng tyan mo?"
MayMay
"Last warning ko na yan ha! Never do that again."
Biglang huminto ang paghimas niya sa tyan ko. Ng tignan ko siya, mas nauna pa siya sa akin nakatulog.
Pinagmasdan ko siya saglit at mayamaya lang nakatulog na din.
May mga bagay na hindi lang dapat puro LOVE ang present sa isang relationship dapat may TRUST. And sometimes, we've been dreaming for our ideal guy but what HE planned for us is our one true love.
Kaya mapapatanong ka nalang... Siya na ba?
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanfictionDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...