xxx
MayMay
Napatingin si MayMay sa babaeng nakatayo sa harapan nila ni Edward
Girl
"Ayt?!?!"
Edward
"Heaven...??"
Heaven
"Hi!"
Iniisip mabuti ni MayMay saan niya ba narinig yung Heaven. Parang naencounter na niya somewhere pero hindi niya matandaan.
Heaven
"Kamusta ka na?"
Edward
"Ah...e... eto mabuti..."
Heaven
"Ayt, pwede ba tayo magusap? Saglit lang...?"
Ang tagal ni Edward sumagot kay Heaven. Bakas sa mukha nito ang gulat, kaba, galit, saya; basta hindi niya mapaliwanag. Hindi niya alam kung ano ang gagawin, kaya naisip nalang niyang hawakan ang kamay ni Edward. Maramdaman man lang ni Edward na nandito lang siya. Mukhang effective naman kasi tumingin sa kanya si Edward at ngumiti. Kumalma ang itsura at humawak ng madiin sa kanyang kamay.
Edward
"Ok."
Sisigaw sana si MayMay para tawagin sila Marco kaya lang malayo-layo na sila sa kanila. Naramdaman ni MayMay na hinihila na siya ni Edward para maglakad.
Nagpunta sila sa malapit na coffee shop. Naghanap ng mauupuan, nung nakahanap, umupo at naghihintay ng may magsalita sa dalawa. Hindi parin binibitawan ni Edward ang kamay niya.
MayMay
"Edward... uhmm Miss..."
Heaven
" Heaven. Just call me Heaven."
Nakangiti sa kanya si Heaven habang nagpapakilala ito.
MayMay
"Uhmm... Heaven. Ano gusto niyo? Ako na magoorder para sa atin. Edward?"
Edward
" Hindi MayMay. Ako na."
Tumayo si Edward at naglakad papuntang counter. Hindi man lang tinanong kung ano ang order nila. Sinundan lang ni MayMay ng tingin si Edward ng magsalita si Heaven.
Heaven
"Hi. Anong name mo?"
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanfictionDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...