Don't look for LOVE, LOVE will FIND you.
What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra.
THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino.
SHE Said: Masaya ako sa kanila...
Sa unang pagkakataon, tahimik lahat kumakain ng dinner. Wala masyadong nagsasalita. Lahat nagkikiramdam kay Edward. First time nangyari na hindi tumabi sa akin siya sa akin. Kahit sila Pat at Marco hindi kami sinetup magtabi. Umupo sa dulo si Edward, malayo sa akin. Pinagmasdan ko siya. Tahimik lang siyang kumain at hindi niya ako matignan. Tuwing magiinitiate ako ng conversation sa grupo, siya lang ang hindi umiimik o matignan lang ako. Hindi ko alam kung hindi niya ako naririnig o hindi niya lang gusto yung topic. Iba...
Pagkatapos namin kumain, humiwalay na kami ni Pat kila Marco, Yong at Edward. Kahit sa huling pagkakataon, hindi parin ako hinarap ni Edward. Tinanguan niya lang ako bilang babye tapos ayun, nagkahiwalay na kami; hindi yung usual na text kapag nakauwi, ingat!, at kung ano-ano pa. Hindi ko alam kung anong iniisip niya pero... anong problema nun?
Pagkauwi namin ni Pat, nagpapakwento siya kung anong nangyari. Pero nakiusap ako kay Pat kung pwede ipagpabukas nalang kasi antok na talaga ako. Naubos ata ang energy ko kanina sa kakatili sa laro.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.