CHAPTER 46

542 37 0
                                    

xxx

Edward


Marco

" Sorry Bro. Hindi ko talaga sinasadya. Hindi ko alam na iuuwi mo siya dito. Akala ko talaga inuwi mo siya sa kanila o lumipat kayo sa restaurant. Pero huwag kang magalala I already called Pat and Tricia about what happened. Don't worry they're not mad at you. They understand. The good thing, we told them ahead of time. Never give up. Just keep on trying na makausap siya."


Tumingin lang si Edward kay Marco at uminom ng beer.


xxx


Dumaan ang mga araw, tinatawagan niya pa din ang phone ni MayMay pero out of coverage area, mas madalas nagririing lang. Nakikibalita nalang siya kay Pat at Tricia sa kalagayan ni MayMay. Hindi siya nagmintis sa pagtawag kila MayMay, Pat o Tricia. Nabalitaan nalang niya na gumaling na sa sakit. Tinanong niya din kung kamusta na, paminsan-minsan umiiyak pa din daw si MayMay.

Galit pa rin siya. Pinakiusapan naman ako nila Pat at Tricia na wag pumunta sa spa. Boss si MayMay at ayaw nilang gawing topic ng chismisan si MayMay ng staff at ng mga customer. Iba ang trabaho sa personal na buhay at naiintindihan ko naman yun.

Maraming araw pa ang lumipas at November na bukas. Naalala niya na any time of the month, babalik na ng France si MayMay. Mas lalu siyang mahihirapang makausap si MayMay.

Last. Last tawag for today bago ako matulog. Maaga ang presentation bukas kaya kailangang matulog ng maaga.

Tinawagan ni Edward si MayMay. Sabi niya sa sarili, one last try. Kapag hindi pa din niya sinagot, pagbibigyan ko siya.

Pagkadial ni Edward sa number ni MayMay, Nag ring ito. Bigla siyang kinabahan ng sinagot ni MayMay ang phone niya.


Edward: Hello?


Hindi nagsalita si MayMay


Edward: Hello? MayMay alam ko nakikinig ka.


Hindi padin nagsalita si MayMay


Edward: May, may sasabihin ako sayo. Please wag mong ibaba.


Narinig ni Edward ang butong hininga ni MayMay


Edward: May gusto ko magsorry. Sorry kung ganito ang kinalabasan ng idea namin. Hindi ko naforsee na magiging ganito ang effect. Pero May, sa mga panahong nagkakasama tayo. Sa mga panahong nakikilala kita, hindi ko namamalayan na nagugustuhan na kita...


Naririnig na ni Edward ang paghikbi ni MayMay.


Edward: ...gusto kita makita. Gusto kita makausap. Gusto kita mayakap. MayMay... mahal na ki... 

**tooooottt... **toooot...


Narinig ni Edward ang dial tone. 

Binaba ni MayMay ang telephone. Naluha nanaman siya kasi umiiyak pa din si MayMay sa kanya...

Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon