CHAPTER 3

1.1K 56 0
                                    

Paalala lang po. FanFic po ito, meaning gawa-gawa ko lang po lahat ng ito. Kung May shows or bagay na totoo, nakikigamit lang po ako. Hindi po akin iyon.  Thank you.

************************************************************************************

xxx

Edward


Edward

"Ok guys! Ok na kay Boss Alvin 'to. Kailangan nalang natin galingan sa presentation kay MMG next month. Kasi kapag ito hindi na-approved kay MMG, madidisolve ang team natin. Ayoko mangyari yon."

Yong

"Kasi mapupunta ka kay Tyler? Hahahaha! Yung mayabang na yon! Naging patok lang yung Ang Probinsyano niya. Akala mo si Joaquin kung maghari-harian."


Sabay- sabay nagtawanan

Edward

"Marco, Kisses, Yong updates?

Marco, kamusta yung paghahanap ng talent natin? Madami-dami na bang nagsasign-up? Sa tingin mo enough na yon?"

Marco

"Nagpost na ako sa mga social media site natin, kaya lang parang kulang pa din..."

Kisses

"Chineck na naming ni Yong yung mga nag-online register, pero kagaya ng sabi ni Marco kulang pa din..."

Yong

"Mangilan-ngilan pero oo...kulang. Konti lang ang qualified"

Edward

"Viv, kamusta yung plug? Tapos na ba?"

Viv

"Eto na siya, for preview at go signal mo nalang, ready to air na siya mamayang gabi."


Hinarap sa akin ni Viv and laptop at ready na yung video to play. Pinindot ko na yung enter at nagplay na yung video. Biglang may nagsalitang babae habang naka-black ang screen.


VO ng babae

"Single? By choice or wala lang talagang choice? Be part in search of "Sino ka-meant to be mo? To join, visit our site @ www.mtb.com Malay mo mahanap mo na siya..."


Habang nagsasalita yung babae may video na blurred na mga tao naglalahad over text ng details. Simple lang. Mga 10sec lang tinagal ng video.


xxx

MayMay


Matapos ang TV commercial.

Pat

"May, sali tayo! Baka parang dating game yan tapos dun pa natin matagpuan si true love. hihi"

Tricia

"Try mo kaya? Wala naman sigurong mawawala. Malay mo."


Sa isip- isip ko, ako sasali? Hello! Nakakahiya kaya! Parang hindi ko kakayanin na makita ako ng mga actors na kilala ko sa France at may masabi pang bakit hindi nalang sa musical plays nila sumali. Tska dating game? Hindi ba ako magmumukhang desperate for love at kailangang sumali pa diyan?

MayMay

"Ayoko. Nakakahiya. Ano nalang sasabihin ni Ram, desperado? No way!"

Pat

"Ay! Ay! Wait lang! Parang nakakaamoy ako ng hindi pa nakakamove-on sa ex. Girl, wala na sayong pakielam si Ram. Sumama na nga diba sa iba? Baka gusto mo ipaalala ko sayo kung anong pinagsasabi sayo. Remember dinamay pa sina tito Anton at tita Maria?

Tricia

"Girl, 3yrs ago na yun. Dapat wala na. Hindi mo na siya kilala."


Eto nanaman po kami sa usapang Ram. Tuwing tatanggi ako sa mga nirereto, lilitanyahan nanaman ako na hindi pa naka-move on. Napabuntong hinga nalang ako kasi alam kong walang katapusan ang ito.

MayMay

"Excuse me po. Naka-move on na po ako. Wala na po akong nararamdaman sa kanya."

Pat

"Yun naman pala e. Anong ni Ram Ram mo dyan? May, listen to me. Ok? Dalawa tayo sasali. Kapag natanggap ka, hindi kita iiwan. Sasamahan kita sa mga guestings, tapings and everything. Ako pa sasalo sa load mo sa Spa. Ako na din magpapaalam sa nanay at tatay mo. Nakuuu! Kung wala lang Joey 'tong si Tricia isasama ko 'to e. Naku! Masaya ka masyado eh noh!?


Sabay sabunot sa buhok ni Tricia si Pat.

Tricia

"Patrick!!!! Masakit!"

MayMay

"Ok! Ok! Payag na ako. Hindi naman ako mananalo sa inyo e. Baka mamaya asang-asa kayo hindi naman pala tayo mapipili."


Habang naglilitanya pala ako, mabilis na kinuha ni Tricia ang laptop ni Pat sa kwarto at nilapag sa harapan ni Pat

Pagkalapag ni Tricia ng laptop, hinarap nya na ang laptop niya at nagsimulang asiksihin.


Pat

"Ok. Since we're super friends, as in like...you know, ako na bahala dito. Ako na magreregister dito at ako na din magfifillup ng form mo. Madami ka naman pictures nakasave dito, ako na bahala. OK?"


Sabay harap sa akin at parang humihingi ng permiso. Tumango nalang ako.

Pagkatapos, tumayo na ako at dumiretso sa kwarto. Pagkadating sa kwarto, pinatugtog ang Les Miserables Playlist . Kinuha ko at nagsimula magsulat sa daily journal ko na nasa loob ng cabinet ng side table ko.

At don ko na sinumulan isulat ang nangyaring pagsali namin sa ---- ano ba yon? Meant to be ba yon? Ah basta

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At don ko na sinumulan isulat ang nangyaring pagsali namin sa ---- ano ba yon? Meant to be ba yon? Ah basta...yun na yon! 

Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon