xxx
Edward
Buong linggo, hindi pa din bumabalik sa Manila si MayMay. Hindi din sinasabi ni MayMay kung kalian niya balak bumalik tuwing itetext siya ni Yong, as John or Ej. Kahit sila Pat at Tricia hindi din alam kalian babalik si MayMay tuwing tatawagan ni Viv for updates.
Samantala, sila Edward at ang team naman tinatapos na ang 3/4 ng buong concept presentation. Kulang nalang ng yung final blow. Pero magagawa lang nila ito pagbumalik na si MayMay.
1 week after...
Nandito lahat sila ngayon sa opisina para sa weekly meeting nila.
Edward
"Ok guys, any update?"
Viv
"Wala pa din balita sila Ms. Pat kung kalian balik ni Marydale."
Yong
"Nagtetext pa din ako kay Marydale pero same old reply. Ok lang siya. Hindi ko pa sure kalian ako babalik blah blah blah!"
Kisses
"So.. ano na gagawin natiin ngayon? Tapos na namin si Perfect Guy which is John at si Dream Guys which is EJ. Si Right Guy nalang ang kulang."
Edward
"Hhmm... you can all take a break. Habang wala pa si MayMay pwede kayo magleave. Pero we still need to communicate every now and then. Kapag bumalik siya, balik work din tayo. Pero guys may deadline tayo. If after next week hindi pa din bumalik si MayMay kailangan natin ireedit yung natapos natin.
Ikaw Marco, any input?"
Ang tagal ni Marco nagsalita kaya lahaat sila napatingin sa kanya.
Marco
"Ok. May suggestion ako. Wala nalang The Right Guy. Yung third part gagawin nating The Reality. We don't live in fairy tales and there is no happily ever after. Kasi to stay long of being together, you have to work on it. Hindi yun nakadepende kay destiny at bahala na. Kailangan pa din pagtrabahuhan to make everything work. There's no such thing as the Perfect Guy and the Dream Guy. Dito ipapakita natin na ang love walang ideal, kusa mararamdaman. If you're meant to be, it will be; in God's perfect time.
Yong
"Bro, kalian ka naging love expert, eh wala ka ngang naging matinong relationship."
Viv
"Edward, are you going to approve this revisions? Kasi as our leader you have the final say."
Edward
"Let's hear first what Marco's new plan is."
Marco
"Ok. Starting today Yong stop texting Marydale. Viv can you give us the address of the Spa? Kami na ni Edward makikipag coordinate sa kanila. Ganito ang plano..."
Pinakinggan nilang lahat lalu na ni Edward ang plan niya.
It's so obvious na this revisions is for my own benefit. Hindi ko alam kung magiging effective ito pero sana... I'm sure boys know better how to handle girls they like.
Marco
"So... what do you think?"
Kisses
"Parang hindi maganda na bigla ka nalang bibitaw. I mean bigla nalang istostop sina EJ at John kay Marydale para lang sa pagenterframe ni Edward. Parang kawawa naman si Marydale na bigla nalang siyang bintawan. May feeling pa naman ako na sasagutiin na either of the two guys ni Marydale."
Marco
"Ano naman isasagot ni Marydale kung hindi naman nanliligaw sa kanya si Ej or John?"
Kisses
"Hindi ka ba nanliligaw Edward?"
Edward
"No. I just said I like her, as John. But I haven't ask if I could court her."
Viv
"Ha??? Eh ano yung mga pa-holding hands mo? Wala lang?"
Kisses
"Oo nga! Ang dami kong nakitang ganun kay EJ."
Lahat sila tumingin kay Edward at naghihintay ng sagot. Hindi naman maamin sa kanila ni Edward kung bakit siya nakikipagholding hands. It's a personal thing for him and only trusted people lang pinapaalamanan niya. Kung hindi lang boyfriend ni Kisses yung teammate niya na si Christian, hindi pa niya makikilala ang ex ni Edward.
Marco
"Paano manliligaw si John kay Marydale kung bigla naman siya umalis. Decent guys don't court girls over the phone. We do it personally. You may say that it looks old, but we can say that our intentions are real. Ok?"
Kisses
"Naku Marco, kung hindi ko lang mahal si Christian..."
Viv
"Ahhh... ganun pala yun... Kapag may manligaw sa akin Marco Ikaw kumilatis ha?!"
Yong
"Hay naku kaya ka nababansagang pafall e, sa mga ganyang hirit mo. Pero girls totoo yun. Kaya kapag ang guys dinaan ka sa text text na ganyan, ay sus! Wag seryosohin. Malay mo madaming katext yun hindi lang ikaw. Kung sino unang magreply, siya ang unang victim.
Edward
"Enough of that. Ok let's follow Marco's plan. From now on, kay Marco kayo kukuha ng instructions; pero Marco kailangan mong ipa-approve muna sa akin. Pero yung texting thing, wag naman istop. Maybe i-less na ang pagtext hanggang sa mawala. Dapat kapag nagenterframe na yung last part, total stop na. ok?
Kisses/ Viv/ Yong
"Ok."
Marco
" Edward, tomorrow we should got to the spa and tell Marydale's friends about new our plan. We need their help."
Edward
"Ok. So guys, may questions pa kayo? Kung wala na, see you next Monday."
After meeting, nagkanya-kanya na silang balik sa trabaho. Sila Viv at Kisses umalis na kasi wala nanaman silang gagawn. Sina Yong a Marco niligpit ang mga gamit. At si Edward, bumalik sa cubicle niya at nagupdate sa Boss nila.
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanfictionDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...