CHAPTER 40

512 37 0
                                    

xxx

MayMay


Hindi nahabol ni Edward ang tawag ni Marco. At dahan-dahang lumapit si Edward kay MayMAy.


Edward

"Maa---y? Ma—aayMa—ayy?"


Bumuhos na ang iyak ni MayMay.


Edward

"Ma---Ma—aayMa—ayy?"


Sobrang iyak ni MayMay, para na siyang hinihika. Nahihirapan na siyang magsalita kaya sobrang hina ng boses na lumabas sa kanya. Inangat ni MayMay ang 2 picture na hawak-hawak niya.


MayMay

"Ikaw si..., John, EJ.... Edward?"

Edward

"MayMay..."

MayMay

"Sinetup mo ako? Bakit?"


Hindi na mapigilan ni MayMay ang luha niya. Nahihirapan siyang magsalita at halos pabulong ang boses na lumalabas sa kanya.


MayMay

"Bakit ako? Anong ginawa ko sayo...?!"

Edward

"Magpapaliwanag ako..."



Galit na galit ako. Gusto sana siyang sigawan pero hindi magawa.

Naalala ko ang payo ni Nanay. Parati niyang sinasabi sa akin, anak, walang magbabago kahit idaan mo sa sigaw. Hindi mababawasan ang sakit ng kasalanan, mapapagod ka lang. Wala nang magbabago, nasabi na, nangyari na, nagawa na, nasaktan ka na.


MayMay

"Anong ipapaliwanag mo? Na gawagawa lang lahat ng ito? Na ginamit mo ako? Para sa trabaho mo?"

Edward

"its not that..."

MayMay

"May pa I like you, I like you ka pa. May sinasabi ka pang May, can I court you. Yun pala... yun pala...."

Edward

"But that was true. That part of me is true. I LIKE YOU."

MayMay

"Punyetng I like you na yan..."


Nakalapit si Edward kay MayMay. Yayakap na sana siya kay MayMay pero umatras si Maymay palayo sa kanya.


MayMay

"Wag kang lalapit sa akin... Alam mo? Ang sakit sakit dito (tinuro ang puso) Sana sinabi mo sa akin yung totoo nung umpisa palang. Sana sinabi mo baka natulungan pa kita; kaya ko naman umarte e..."

Edward

"Please May, hayaan mo ako magpaliwanag. Kumalma ka. Please..."


Pero patuloy paring ang pagiyak ni MayMay... hagulgol. Hindi din tumigil si MayMay sa kakasalita.

MayMay

"....pakiramdaman ko pinaglaruan mo ako. Pinakita ko sayo totoo. Hindi ako umarte. Yung pakikipag kaibigan mo sa akin totoo...Totoo ba? Kahit sana yun lang..."


Tumingin tingin si MayMay sa paligid. Hinanap niya baka may camera sa paligid, nagbabakasakaling may mahagip siya.


MayMay

"....o! nasan na camera mo? Ok ba yung pagiyak ko? Nakuhanan ba yung drama? Ok ka na? Masaya ka na?"


Lumapit ulit si Edward. Ngayon pati si Edward umiiyak na din


MayMay

"Layuan mo ako. Hindi kita kilala.."


Nilapag ni MayMay ang pictures na hawak niya, kinuha ang bag at tumakbo palabas.

Nakaabot na siya sa may elevator ng marinig niyang sumisigaw si Edward, tinatawag ang pangalan niya. 

Nakita niya si Edward at saktong bumukas ang elevator. Dali-dali siyang pumasok at pinindot ang buton para sumaara agad ang pinto.

Pagkapasok sa loob, patuloy padin ang pagiyak niya. Nakakaramdam na din siya ng lamig. Basa pa din ang damit niya dahil sa ulan kanina.

Nakarating sa ground floor  ang elevator at lumabas agad.

Patakbo siyang lumabas ng building nang madaanan niya ang guard.


Guard

"Ma'am alis na po kayo? Malakas ho ang ulan!!!"


Hindi pinakinggan ang guard at dirediretso siyang lumabas ng building. Sinugod niya ang mas lalung lumakas na ulan.

Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon