CHAPTER 41

540 29 0
                                    

xxx

MayMay


Tok** tok**

Pat

"May!!! Gumising ka na! Kain na tayo ng almusal! Baka malate tayo!"


Hindi umiimik si MayMay sa loob.


Pat

"Girl gising na!! Tama na ang beauty rest!!


Wala pa ring naririnig si Pat mula kay MayMay...


Pat

"May! Gising na! Pag hindi mo binuksan itong pinto pagkabilang kong sampu, papasukin kita dyan! MayMay!!!"


Kumakatok pa din si Pat pero hindi pa din nagbubukas.


Pat

" 1! ...10!!! May papasok na ako!"


Pagkabukas ni Pat ng pintuan, nakita niya si MayMay na nakahiga at nakakumot.

Hinila niya si MayMay patayo ng naramdaman niyang mainit si MayMay, nilalagnat.


Pat

"Naku May ang init init mo. Inaapoy ka ng lagnat. Tricia!!! Magakyat ka ng isang batya ng may maligamgam na tubig. Bilisan mo!"


Sumigaw si Tricia mula sa baba.


Tricia

"Bakeeettttt!!!!"

Pat

"Nilalagnat si MayMay! Bilisan mo bakla!!!"


Kahit mukhang natutulog si MayMay, gising siya at naririnig niya sina Pat at Tricia. Hindi talaga siya makakilos sa sobrang sama ng pakiramdam.

Dumating si Tricia sa kwarto at inabot kay Pat ang palanggang may lamang tubig.


Tricia

"May... anong nangyari sayo? Bakit ka nilalagnat?"


Napansin ni Tricia ang damit na pinaghinubaran sa sahig. Dinampot niya ito at naramdamang basa.


Tricia

"Sumugod ka sa ulan kagabi? Basang basa pa itong damit mo. Hindi ka ba hinatid ni Edward?"


Dali-dali siyang pumunta sa cr para isampay ang damit ni MayMay. Kumuha ng basahan at pinunasan ang basang sahig na gawa ng basang damit.

Umuungol lang si MayMay.


Pat

"Hay naku Tricia, wag mo muna tanungin. Ako muna bahala dito. Ikaw na muna ang pumasok. Wala naman ako masyadong gagawin ngayon. Pwede pa yun bukas."


Umuungol lang si MayMay at hinawakan niya si Pat.

Tumingin si Pat kay Maymay


Pat

"Ay naku, hindi mo kaya saril mo. Wag ka na kumontra. Baba lang ako at kukuhanan lang kita ng pagkain para makainom ka ng gamot."



Sabay na lumabas ng kwarto sina Pat at Tricia.

Narinig ang phone niyang nagriring. Hindi niya magawang kuhanin dahil hindi siya makagalaw sa sobrang sama ng pakiramdam.

Buong araw siyang nakahiga at nasa tabi lang niya si Pat. Umaalis lang ito kapag iihi at magluluto ng pagkain. May mga pagkakataong naririnig niya may kausap si Pat. Alam niya na sya ang pinaguusapan kasi nairinig lang niya na malinaw ay nagpapagaling pa siya, tska ka na tumawag.


xxx

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon