xxx
Edward
Pagkatapos nila ni Marco at Edward maglunch. Bumalik ulit sila sa cubicle ni Edward. Dun sila nageedit para walang istorbo. Kasalukuyan na silang nageedit sa part ng pagaaya ni John ng dinner.
FLASHBACK
Habang busy si Marydale sa paggawa ng bangkito niya, palihim akong tumatakas para ihanda ang special dinner. Nagpatulong ako sa isa sa mga trabahador para ayusin ang gazebo. Binilinan ko si Manang na magluto ng pangdinner at dun kami sa may gazebo kakain. Tuwang-tuwa naman si Manang sa balak ko. Sina Marco at Yong sinetup ang mga hidden camera at mic. Sina Vivoree at Kisses naman ang incharge sa pagdedecorate ng buong lugar.
Yong
"Edward pwede ba pagkatapos nito uwi na kami? Buong araw na kami nakabantay sa inyo e. "
Marco
"Oo nga! Puros naka-fix yung mga hidden cam e. Hindi nanaman tayo moving. So nakadepende nalang sayo lahat."
Nagiisip si Edward kung papayag ba siya sa gusto nila. Dito na sila natulog kagabi para hindi pahirap magsetup sa umaga. Mga pagod na din ang mga ito.
Vivoree
"Edward, sige na please. Naka-setup nanaman lahat e. Wala pa din akong tulog. Antok na antok pa din ako."
Nakatingin lang sila sa akin at hinihintay ang sagot ko.
Edward
"Ok. Pero please double check everything, tapos Kisses yung request kong music nakakuha ka?
Kisses
"Oo. Grabe ha! Ano yun, for show pa rin ba o personal choice na? Iba e."
Marco
"Bakit ano yung music? Tinamaan ba si Mr. Team Leader? Hahaha!!!"
Bago pa sumagot si Kisses kay Marco, nagsalita na kaagad si Edward.
Edward
" Sige, ganito nalang. Kisses, ikaw magpaplay ng music. Pagkatugtog, pwede na kayo umuwi. Kasi baka hindi magstart sa gusto kong kanta e."
Marco
"Iba nga!"
Edward
"Shut up Marco! Ok guys, labas na yung lalabas. Tatawagin ko na si Marydale sa taas."
Vivoree
"Ah sige. Ilalagay na namin yung mga pagkain na niluto ni Manang. Saglit lang naman ang pagsetup ng pagkain."
Kisses
"Edward thank you talaga at pumayag ka na dito tayo sa factory niyo tayo. Wala na kasi akong mahanap na ibang factory na malapit. Sorry talaga."
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanfictionDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...