xxx
MayMay
MayMay
"E.... EJ? Tinext kita kanina sabi mo busy ka at kasalukuyang nasa meeting. Anong ginagawa mo dito?"
Kumunot ang ulo ng ng lalaki at naramdaman ni MayMay na may umakbay sa kanya.
Tricia
"Sinong EJ? Hindi EJ pangalan niya."
Pat
"Baby, si MayMay. MayMay si Edward.
Baby, siya yung kinukwwento ko sayo nakaraan, sister ko"
Pinakilala ni Pat si Edward kay MayMay. Inabot ni Edward ang kamay niya kay MayMay
Edward
"Edward..."
Dahan-dahang tinaas ni MayMay ang kamay niya para makipagshakehands. Titig na titig si MayMay kasi hindi makapaniwala.
MayMay
"M---ay—M-a--y..."
Pat
"Tama na yan. Tama na yan."
Pinaghihiwalay agad ni Pat ang magkahawak na kamay ni MayMay at Edward. Natatawa naman si Tricia sa pinagagawa ni Pat
MayMay
"Ej..ay este Edward, pwede magtanong?"
Edward
"Yes. What is it?"
MayMay
"May kapatid ka? Or twin brother?"
Edward
"I have 1 sister but I don't have a twin brother."
MayMay
"Wala ba talaga? May EJ kang kilala? E john, may kilala ka?"
Hindi pa din maka-move on si MayMay kasi sobrang kahawig ni Edward si John lalu na si EJ.
Pat
"Ano ba yan MayMay. Tigilan mo nga ang baby ko. Ang dami mong tanong e."
Edward
"It's ok. Anong apelido? Madami kasi akong kilalang Ej at John."
Nagisip ng matagal si MayMay. Yun lang ang pagkakamali niya. Sa dalas niyang nakasama si EJ at John not even once natanong niya ang mga apelido nila. Masyado siyang naaliw sa dalawa na hindi na niyang naalala na magtanong ng mga simpleng bagay.
MayMay
"Hindi ko alam. Pero sobrang kamukha mo sila."
Tricia
"Ay sha! Tama na yan MayMay katatanong mo ka Edward. Fishballs?"
Kumakain sila habang nagkukwentuhan sina Pat, Tricia at Edward. Nakikinig lang si MayMay. Pinagmamasdan niya si Edward. Hindi pa din siya makapaniwala na hindi nga si EJ ang kaharap niya.
Habang nagkukwento si Pat, napatingin sa kanya si Edward. Bumalik lang ang ulirat niya nung ngumiti ito sa kanya. Mga ilang segundo lang ang nagtagal ng bumalik na ulit ang atensyon ni Edward sa kwentuhan nila ni Pat at Tricia.
Nakaramdam ng hiya si MayMay kasi nahuli siya ni Edward na nakatingin lang sa kanya. Nakaramdam siya ng ng may biglang nangangalabit sa kanya. Humarap si MayMay sa nangangalabit.
Fishball Vendor
"Ma'am softdinks po? Gusto niyo po? Meron ako dito"
MayMay
"Hindi po. Salamat nalang po kuya."
Pagkatapos kumain, naunang nang nagpaalam si Edward sa kanila at umalis. Bumili lang si Pat ng fishball pang takeout.
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
Fiksi PenggemarDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...