CHAPTER 54

567 37 1
                                    

xxx

Edward


Dumaan ang mga araw, hindi na masyadong affected si Edward sa paggawa ng script. Hindi na din niya naiimagine yung mga araw na magkasama sila ni MayMay kasi nasa book 2 na sila. Ibang phase na ng istorya ni MayMay at Edward ang kwento na hindi nangyari sa totoong MayMay at Edward. Nakakamove-on na siya at nawawalan na siya ng pagasang makausap si MayMay. Kahit sinabihan na siya ni Pat na inaasahan ni MayMay ang tawag ko, mas gusto pa din niya makita si MayMay.

Tumunog ang alarm ng cellphone niya at nakita ang schedule ng meet and greet ni Amor Diva. Nawala na sa isip niya ang event pero gusto niya makusap pa din kung sino man si Amour Diva.

Tinawagan niya si Viv


Viv: Hello?

Edward: Viv nakapagpitch na ba sila for book 2,week 5?

Viv: Hindi pa nga e. Hinihintay ko nga e.

Edward: Pwede ba paki-check yung isesend nilang script. May pupuntahan kasi ako. Nakalimutan ko na ngayon pala yun, pwede ikaw na magcheck?

Viv: Oo naman para may gawin ako habang naghihintay.

Edward: Salamat! Importante talaga ito. Sabihin ko nalang sa kanila na sayo isend. Isa nalang naman yun e.

Viv: Got it!

Edward: Salamat!

Umalis na ng opisina si Edward. Nakarating siya sa isang café sa Makati. Liblib at maganda ang café. Hindi niya namalayan na malapit pala ito sa bahay nila.

Maaga siya nakarating. Bitbit niya yung libro at pumasok siya sa loob, may sumalubong sa kanyang isang staff na nakaabang sa may pinto.


Staff

"Good Afternoon sir, are you part of Puzzles's book signing?"

Edward

"Yes!"

Staff

"Sir please register name over there."


Tnuro ng staff yung table kung saan may ilan ng nagpaparegister

Pinuntahan niya kung saan tinuro ng babae at pumila. Ng mapunta siya sa unahan


Staff

"Good afternoon sir! Please sign here your name and signature. Did you bring your book?"

Edward

"Yes!"

Staff

"Can I borrow it for a sec."


Binigay ni Edward ang librong hawak niya at pumirma sa resgistration. Pagkatapos niya magsign, inabot na sa kanya ang libro na hiniram sa kanya.


Staff

"Here's your book sir. You may proceed inside. Thank you."

Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon