CHAPTER 66

616 38 9
                                    

xxx

Edward


Isang linggo hindi mayadong nakausap ni Edward si MayMay. Puro kamustahan lang ang nangyayari sa tuwing magkakausap sila. Busy si MayMay sa pagsulat sa libro niya at pagaayos ng papeles kasi malapit na siyang bumalik ulit sa France; nagbakasyon lang si MayMay ng 3weeks para talaga sa birthday niya.

Hindi alam ni Edward ang gagawin kasi walang sinasabi si MayMay sa kanya. Hindi naman niya maopen-up kung may problema ba baka makipaghiwalay naman sa kanya bigla si MayMay. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya kapag nangyari yun sa kanila.


Rrringgg!!! Rrringg!!!

MayMay: Yes Edward?

Edward: Love, dinner tayo bukas? Diba after tomorrow ang alis mo?

MayMay: Oo. Ok..

Edward: Sunuduin kita?

MayMay: Ok.

Edward: Love...uhmmm...

MayMay: Edward may sasabihin ka pa ba? Kasi may ginagawa ako...

Edward: Ah.. sige! Sige bukas nalang. Bye lov..


Hindi pa tapos makipagusap si Edward, binaba na agad ang phone.


xxx

MayMay


Nasa bahay lang si MayMay kasama sila Pat at Tricia naguunwind. Nanonood sila ng movie; with matching grapes, cheese and white wine.

Matapos ibaba ni MayMay ang phone.

Pat

"Edward?"

MayMay

"Oo.."

Tricia

"Hindi pa din kayo ayos?"

MayMay

"Ok naman kami ha..."

Tricia

"May ano ba! Si Edward yun. Usually kapag tumatawag siya, umaakyat ka ng kwarto o nagkukulong ka sa cr para walang istorbo sa inyo. Pero ngayon wala pang 5mins tapos na."

MayMay

"Wala naman siyang sasabihin e, nagtanong ako sabi niya wala daw."

Pat

"Girl, bakit hindi mo sabihin sa kanya yung problema?"

MayMay

"Pat, dapat alam niya yun. Hindi siya naging honest sa akin. I saw him, secretly meeting other girl. What do you expect?  What if he's really does that everytime I'm in  France? Who knows? Also, he's aware that there's something wrong and yet he is not doing anything. Tska, knowing you guys alam ko sinabi niyo sa kanya."

Tricia

"Still... Paano masosolve yan?"

MayMay

"Edi makikipaghiwalay ako sa kanya. Problem solve! In the first place, bago naging kami, nagusap kami. Yun lang ang hiniling ko sa kanya ang maging honest siya sa akin. Ano ito, kinalimutan na agad?!"

Pat

"Baliw ka talaga! Magusap kayo."

MayMay

"Sus! Papahirapan ko pa sarili ko. Tama na yung timba-timbang luha ang naiyak ko dati..."


Mukha lang wala lang sa kanya ang mga sinasabi niya kila Pat, pero sa totoo lang nahihirapan siya. Gusto man niya ayusin, kaya lang nakikita niya walang effort si Edward para maayos.
Iniisip palang niyang makikipagbreak siya kay Edward, pakiramdam niya magkakasakit nanaman siya.

Kinabukasan, maagang sinundo siya ni Edward. May bitbit pang flowers.

Hindi din nagtagal at umaalis na sila. Nagpunta sila sa isang restaurant with overlooking ng view ng city.

Pagpasok nila, wala pa masyadong tao. Dinala sila ng waiter sa reserved seats nila malapit sa glass wall. Like the usual, inayos ni Edward yung arrangement ng utensils niya ayon sa parati niyang ginawgawa.

Nagorder na si Edward nung nagpareserve siya kaya after 10mins, dumating na ang pagkain nila.

Kumain lang sila ng tahimik. Mayamaya pa, dumating ang desert and isang bottle ng champagne.


Edward

"Love, bukas na alis mo. Mamimiss kita. Iniisip ko palang ngayon, namimiss na kagad kita."

MayMay

"Hahaha! Nakakatawa ka."

Edward

"Love may sasabihin ako sayo. Actually nung birthday ko gustong sabihin sayo kaya lang masyado kang busy. Gusto ko din tayo lang muna. Atin ang moment, akin ka muna..."


Habang nagsasalita si Edward, busy si MayMay sa paginom ng champagne at nakatingin sa magandang view sa labas. Nakikinig lang siya kay Edward.


Edward

"Love, nakikinig ka ba?"


Hinawakan ni Edward ang kamay niya.

Tumingin si MayMay sa kanya with questioning look.


MayMay

"hmm?"

Edward

"Love, will you spend your whole life with me? Will you be my wife and mother to my children? Will you marry me?"


Nakatingin lang si MayMay kay Edward with sarcastic look

Huh??

******************************************

Aminin nating mga girls, at some point kailangang alam agad ng boys ang problema kahit walang sinasabi ang girls...


Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon