xxx
MayMay
Nakauwi na sa condo sila Pat, Tricia at MayMay. Kasalukuyang naghahapunan at nagkukwentuhan sila.
MayMay
"Pat, Tricia paano niyo nakilala si Edward?"
Pat
"Baakeeettt??? Bet mo noh?"
MayMay
"Baliw! Tricia paano kayo nagkakilala?"
Napapatingin si Tricia kay Pat kasi hindi niya alam kung ano ang sasabihin.
Tricia
"Ha? Ah..eh.. si Pa-at kasi... nakakita ng gwa—po.... Oo tama. Aminin na natin gwapo si Edward, eh na-sight niya, ayun! Akala mo politiko kung magpakilala. Hahehe (pilit na tawa)"
Napatingin si Pat kay Tricia at inirapaan niya ito.
MayMay
"Ganun ba? Bakit parang ngayon ko lang siya nakita. Pati yung fishball vendor na yun. Diba bawal dun yon?"
Tricia
"Hindi naman araw-araw dun si kuya nagfifishball. Nakapagpaalam daw pero yun, hindi pwede araw-araw."
MayMay
"E si Edward, saan siya nanggaling? Malapit ba dun yung pinagtatrabuhan niya doon?"
Pat
"Naghahanap daw siya ng makakain nung araw na yun, kaya yun. Nakita...teka teka! Bakit ang dami mong tanong. Type mo noh? MayMay hindi naman ako selfish. Willing to share naman ako basta wag mo lang sosolohin."
MayMay
"Sira ka talaga. Hindi ko siya gusto. Natatandaan niyo pa ba sina Ej at John?"
Pat
"O, napano sila?"
MayMay
"Alam niyo ba kamukhang –kamukha ni Edward si EJ. Sobrang magkamukha. Maputi lang ng konti itong si Edward. Hawig din ni John nga e. Pero mas hawig ni EJ."
Pat
"Talaga ba? Talagang tinamaan ka sa dalawang yun ha?"
Natahimik si MayMay sa sinabi ni Pat. Hindi man niya aminin kay Pat at Tricia, dahil sa tagal na nilang magkakaibigan, kahit hindi magsabi, nababasa na nila ang isa't-isa.
Tricia
"Oh! Natahimik ka? Kamusta na pala yung dalawang yun."
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanficDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...