CHAPTER 58

558 35 0
                                    

xxx

MayMay


10pm na wala pa din si Edward. Baka hindi na pupunta. Sabi ni Pat kanina pa daw dapat tapos sa spa sila. Max of 2hrs lang yung inavail nila.


Pat

"Ano? Kanina ka pa tingin ng tingin sa orasan. Hinihintay mo si Edward noh?"

MayMay

"Hindi."

Marco

"Ay naku MayMay, kanina pa kami dumating dito pero napansin ko panay nga tingin mo sa orasan."


Todo iwas ni MayMay pangaalaska sa kanya ni Pat at Marco.

Nakikitawa lang sina Yong at Tricia.

Hindi na ako umiimik kasi alam kong talo ako sa kanila kapag nagsanib pwersa na.


Pat

"Oh sabi sa inyo e. Guilty? Natutulala ka nalang. Hahaha!"


Maaga palang, dumating sina Marco at Yong.

Kasalukuyan na silang nagiinuman at vivideoke. Kanina ko pa pinipilit wag ipakita, pero nageexpect talaga ako na pupunta si Edward. Hindi maganda ang pagkikita namin nung nakaraan. Kahit hindi ko pa siya lubusang napapatawad, wala naman akong karapatang harapin siya ng pagtataray. Tao niya akong hinarap, dapat tao din ko siya pinakitunguan.


DiiingDoooong!!!!


Kasalukuyan nasa kusina at nagrerefill ng yelo ng marinig si MayMay ng may nagdoorbell sa pinto. Napatingin siya sa pinto at nakita si Tricia ang tumayo para magbukas.


Tricia

"Edwaaaarddd!!!!"

Pat

"Uy! Buti humabol ka!"

Yong

"Pare!"


Bineso ni Edward si Tricia samantalang tinapik niya sa balikat sila Pat, Yong at Marco ng makapasok siya.


Edward

"Hindi na nga dapat e. Kaya lang itong si Marco, Bro tinawagan mo si Mommy? Baliw ka!"

Marco

"Sinabi ko sa kanya na reunion ng barkada kaya pinagpaalam na kita."

Edward

"Baliw ka talaga. Alam mo ba kadadating lang ni mamita? She's looking for you by the way."

Marco

"Really? I'll go with you if you visit her ok?"

Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon