CHAPTER 50

603 38 8
                                    

xxx

Edward


Hinintay lang talaga ni Edward matapos ang November at makakauwi na siya ng England by December. Hinanda at binilinan niya si Marco sa mga gagawin nito habang hindi pa siya nakakaalis.

Paminsan minsan tinatawagan niya sina Pat at Tricia. Nakikibalita sa kanila. Pinapayuhan naman siya madalas ni Pat na magviber kay MayMay dahil mukhang ok nanaman si MayMay. Pero sinasagot niya lang ng "OK" pero ang totoo natatakot siyang gawin baka hindi nanaman siya kausapin ni MayMay.

Miski si Marco pinapayuhan din siyang tawagan pero hindi niya talaga magawa. Pagminsan tinatawagan ni Marco si MayMay na kasama si Edward. Naka loudspeaker magkausap sila Marco at MayMay; hindi lang umiimik si Edward. Masaya na siya ng ganun kahit boses lang ang marinig.

Umuwi na si Edward sa England ng December kasama ang mommy niya. Doon siya nagcelebrate ng Christmas at New Year.

Makalipas ng isang buwan, bumalik din siya agad sa Pilipinas. Bumalik din sa dati ang takbo ng buhay niya. Pero syempre hindi mawala-wala sa isipan niya si MayMay dahil sa serye na ginagawa. Kahit nasa England siya, kinokontak pa din siya ng drama team at ni Marco. Ginamit din ng serye ang pangalang Edward at ni MayMay kaya tuwing magchecheck ng script, bumabalik siya sa panahong abot kamay niya pa si MayMay.

After 6months...

Simula ng umere ang Meant to Be parating mataas ang ratings, trending sa twitter at sikat na ang mga bidang artista na noon ay bagong discover palang ng network. Yung napredict na 6mos. ni Edward para sa book 1 ay napahaba nila at ngayon going to 8months na. At kasalukuyan na nilang binubuo ang pang book 2. Naging busy siya sa kabila ng pinapagawa sa kanya.

Bumibisita din siya sa spa tuwing may oras sila ni Marco. Kinakamusta niya sila Pat at Tricia. Nakikibalita din siya sa kanila kung kailan balik ni MayMay. Parati naman nilang sagot walang sinasabi, surprise daw. Hindi na din nangungulit si Edward.

Kasalukuyan silang nagcecelebrate ng victory party ng Meant to be


Boss Alvin

"Grabe! Edward and your team never fail me. Parating sure hit ang mga ideas mo. Saan ka kumukuha ng creativity?"

Edward

"Hindi lang naman po ako magisa dito. Lahat po, we work hard for it."

Boss Alvin

"Everybody, listen up! Congrats to everyone for your hardwork! Lets sustain the ratings or even higher! Let's attract more sponsors. Ok? Cheers!"


Nagcheers ang lahat. Kumpleto lahat staff, crew, casts pati ang team ni Edward. Eto ang palibre ni MMG sa kanilang lahat.

Tinabihan ni Marco si Edward


Marco

"Bro, successful ang serye. Ginagawa na natin ang book 2. Bakit mukhang hindi ka masaya."


Hindi umimik si Edward kay Marco. Umiinom lang siya ng champagne


Marco

Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon