CHAPTER 48

605 36 0
                                    

xxx

MayMay



Binuksan ni MayMay ang pinto. Nagulat siya ng makita kung sino.


MayMay

"Anong ginagawa mo dito?"

Marco

"Aren't you happy to see me?"


Binuksan ng todo ni MayMay ang pinto at sumilip-silip sa likod.


Marco

"Sino hinahanap mo dyan? Si Edward? Wala siya dito. Hindi ko sinama."

MayMay

"Anong ginagawa mo dito Marco?"


Hinarap ulit ni MayMay si Marco


Marco

"Hindi ko siya sinama at hindi niya alam na pupunta ako dito. Ako maghahatid sayo sa airport."


All out smile si Marco sa kanilang tatlo.


MayMay

"Ha? Bakit???"

Pat

"Pinapunta ko siya dito. Pinakiusapan na baka pwede siya nalang maghatid sayo sa airport."

MayMay

"Bakit? Kaya ko naman pumuntang airport ng ako lang mag-isa."


Hinarap naman niya si Pat


Pat

"Pa-advance christmas gift ko na sayo. Pwede ka magtanong sa kanya tungkol kay Edward. Mas madami siyang alam. Baka hindi ka pa convince sa mga sagot namin sayo. At least kung si Marco ang sasagot sa mga tanong mo, alam mo totoo."

Marco

"Akong bahala sayo."

Pat

"Pero Marco, yung sinabi ko sayo wag mong kakalimutan..."

Marco

"Oo! Hindi ko nakakalimutan."

MayMay

"Ano yon?"


Walang nagsalita kay Marco at Pat. Kahit tinignan na ng masama, hindi pa din natinag yung dalawa.


Tricia

"Hay... parang mga bata. Ang bilin ni Pat, once makita ka ni Marco na umiiyak na, hindi na daw siya magkukwento tungkol kay Edward. Nakiusap si Marco na siya nalang daw maghatid sayo. Gusto ka din daw niya makita dahil sa mga sinasabi sa kanya daw ni Edward. At tska, para in case mabanggit nanaman daw ikaw ni Edward sa kanya, may mababalita siya sa kanya. Hala sha! Alis na kayo. Baka mahuli ka sa flight niyo."

Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon