xxx
MayMay
Tricia
"May alam kong gusto mong sarilin ang kinikimkim mo. Pero kailangan mong ilabas yan. Baka yang nararamdaman mo ang dahilan kaya hindi ka tuluyang gumagaling. Nagaalala na kami sayo...."
Patuloy lang sa pagkain si MayMay habang nagsasalita si Tricia.
Tricia
"...dahil ba kay Edward, John at Ej?"
Tumigil sa pagnguya si MayMay, napatingin kay Tricia at dun na bumuhos ang luha niya.
MayMay
"Tricia si Edward...."
Umiiyak na parang hinihika si MayMay ng yumakap si Tricia sa kanya. Lumapit naman si Pat kay MayMay at yumakap din ito sa kanila.
Tricia
"Ssshhhhh... tama na. Tama na ang iyak"
Pinapatahan siya habang hinahagod ni Tricia ang likod niya.
MayMay
"Tricia, si Edward... si Edward..."
Tricia
"Si Edward.. alam ko. Sabihin mo sa akin anong tungkol kay Edward..."
Kumawala sa yakap si MayMay, ganun din sa Pat at lumipat sa lamesa sa tapat ni MayMay at dun umupo.
MayMay
"Tricia... si Edward pala si John at Ej..."
Umiiyak pa din si MayMay. Hindi humihinto ang pagtulo ng luha niya.
Pat
"May wag kang magagalit sa amin, pero alam namin na siya si Edward si John at Ej. Sorry May. Gusto na sana naming sabihin sayo kaya lang nakapirma si Tricia sa kontrata. Kung naaalala mo yung sinalihan nating Ka-meant to be? Yun yon... Sorry May... "
Tumingin si MayMay kay Pat. Matagal siyang nakatingin kay Pat.
Magsasalita na sana si Pat ng magsalita si MayMay.
MayMay
"Alam niyo yung nalaman ko nung una, nasaktan talaga ako, sobra- sobra. Pero yung mga panahong nasa bahay lang ako, naisip ko wala akong karapatang masaktan... kasi sumali ako. Kasalanan ko din ito. Pero hindi siya kayang tanggapin ng puso ko. Nasasaktan pa din ito (tinuro ang puso). Kahit pilit iniexplain nito (tumuro sa ulo) na hindi dapat ako magalit."
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanficDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...