CHAPTER 39

552 42 4
                                    

xxx

MayMay


Pat

"May, nandito na sundo mo."

MayMay

"Palabas na..."


Kasalukuyang nasa loob ng opisina si MayMay ng tinawagan siya ni Pat na dumating na si Edward. Maaga siyang natapos sa mga dapat niyang tapusin kaya tinext niya si Edward na pwede na mag-out ng 5:30pm.

Pagkapunta ni MayMay sa reception area, nakita niyang nakikipagusap ito kay Pat at Tricia. Nagbuntong hininga siya at tinawag si Edward


MayMay

"Edward!'


Lumingon si Edward at ngumiti


Edward

"Ready?"


Ngumiti si MayMay at lumapit sa kanila.


MayMay

"Pat, Tricia una na kami ni Edward."

Tricia

"Ok. Mayamaya lang magout na din kami. Ingat kayo ha?!"

Pat

"May, kami na bahala sa kotse mo. Edward pahatid nalang si May sa bahay.

Edward

"Ok. Lika na! Bye!"


Lumabas na sila at sumakay sa sasakyan ni Edward. Habang nasa byahe, tahimik lang yung dalawa. Tapos napansin ni May na parang hindi sila papuntang mall kasi madaming puno ang nadadaanan nila.


MayMay

"Saan tayo pupunta? Akala ko sa mall?"


Mamaya huminto ang sasakyan sa isang park.


Edward

"Magpipicnic tayo! Maiba lang. nagpack ako ng food."


Napatingin sa gulat si MayMay kay Edward


MayMay

"Are you for real?"

Edward

"Oo. Naisip ko kasi pagod ka sa trabaho. Kaysa maglakad-lakad tayo sa mall at mapagod maghanap ng kakainan, dito nalang tayo. Tipid pa. Tska wag kang mag-alala, madami akong bitbit na pagkain. Alam kong matakaw ka e."

Siya na ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon