xxx
MayMay
Gumaling si MayMay sa lagnat; pero natagalan bago nakarecover. Naging strikto sa kanya sina Tricia at Pat pagdating sa pagkain at paginom ng gamot. Pinagsabihan ding kalimutan muna si Edward kasi hindi siya gagaling kung panay ang iyak niya. Kung may pagkakataon, nagmamall sila o nagbabar after work. Iniwasan nila ang sinehan at bowlingan.
Yung mga unang araw, natutulog sa kwarto ni MayMay sina Pat at Tricia para suwayin ang pagiyak. Pero ng mapansin nila na hindi na siya umiiyak, sa kani-kanilang kwarto na sila natutulog.
Ang hindi nila alam, tuwing mararamdaman niyang maiiyak siya, nagpupunta siya sa cr. Dun niya nilalabas.
Nakauwi sila galing spa at kasalukuyang naghahapunan.
MayMay
"Mamimiss ko kayo..."
Pat
"Oo nga. Ang bilis ng araw babalik ka na ulit ng France. Pero ang aga naman ata, sa sabado na agad?"
MayMay
"May bagong play kasi. Sa December ang start kaya gusto nila akong pabalikin agad."
Tricia
"Tapos ka na ba magimpake? Tulungan kita pagkatapos nating kumain."
MayMay
"Ok na ako. Natapos ko siya kahapon. Salamat"
Nagkukwentuhan nalang sila ng magring ang phone ni MayMay. Sinilip ni Pat kasi nasa pagitan lang nila ang phone ni MayMay.
Pat
"Oh si Edward nanaman."
Nakatingin lang si Pat kay MayMay.
Kapag naluha nanaman MayMay dahil sa pagtawag ni Edward, siya ang sasagot na ng tawag. Siya parati ang nagbaba ng phone ni MayMay everytime na tatawag dito si Edward. Kasi makita lang ni MayMay ang pangalan ni Edward sa screen ng phone, naiiyak na siya. Kaya ngayon pinagmasdan lang niya si MayMay.
Dinampot ni MayMay ang phone na nagriring at sinagot.
Napatigin na rin si Tricia kay MayMay. Pinagmasdan nila si MayMay habang nakatapat lang sa tenga ang cellphone. Hindi nila marining si Edward sa kabilang linya. Puro buntunghininga lang ang nakikita sa reksyon ni MayMay.
Mayamaya bilang tumulo ang luha ni MayMay.
Hinablot agad ni Tricia ang phone mula kay MayMay at binaba. Tinurn-off na din ni Tricia ang phone.
Tricia
"Bubuksan ko siya mamaya pagkatapos natin kumain. Ako muna magtatago nito. Ibibigay ko lang sayo kapag may importanteng tumawag. Napapagod na ako sa pagiyak mo tuwing makikita mo tumatawag sayo si Edward. Kumain ka na."
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
Fiksi PenggemarDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...