xxx
MayMay
Sinimulan na niyang isulat ang nangyari sa kanya kahapon. Simula sa pagsundo sa kanya ni John hanggang sa pagseselos nito kay EJ hanggang sa makarating sila sa factory na mukhang hindi factory. Nakilala niya si Manang Lucia ang caretaker at si kuya Jun, ang head worker na tumulong sa kaniya gumawa ng upuan.
Hindi pala biro ang gumawa ng upuan ha. Simple lang pero ang daming kailangang gawin.
Pati yung dinner. Dun tinuon ni May ang kabuuan ng sinulat sa journal niya. Kung gaano kasarap may magtratong espesyal na ibang tao. Simula sa itsura ng lugar, sa music na pinili ni John at sa pagkaing kinain nila. At ang pinaka importante sa lahat, ang pagtatapat sa kanya ni John na gusto niya si MayMay. Masarap sa pakiramdam.
Kumakain sila May, Pat at Tricia sa spa habang nagkwkwentuhan sila tungkol sa nangyari kay MayMay at John.
MayMay
"Ayun pagkatapos ng dinner, umuwi na din kami. Yung upuan sila kuya Jun na ang nagtapos. Hindi ko alam na sinabihan pala ni John na tapusin na kasi nga gabi na baka hindi pa matapos kung ako daw ang magtatapos. Ayun..."
Pat
"Waaaaaaaaaaaaa!!!!"
Tili ng tili si Pat habang niyuyugyog si MayMay sa sobrang kilig.
Tricia
"Patrick! Tumigil ka, marinig ka ng mga clients sa labas. Baka akala kung anong nangyayari na dito."
Pat
"Tricia naman e. Sabing Pat lang e. Girl may kapatid ba yang John na yan? Akalain mo yun, may tinatago siyang pampakilig sa katawan. Ay! Baka naman pa-fall naman yan..."
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanfictionDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...