xxx
MayMay
Naging mahirap ang lagay ni MayMay. 3 araw siyang inaapoy ng lagnat at salitan sina Pat at Tricia sa pagbantay. Ayaw naman magpadala ni MayMay sa ospital.
Sa mga araw na yon, wala ding kupas sa kakatawag ni Edward kay Pat at Tricia.
Sa pang-apat na araw, bumaba na ang lagnat niya. Nilalagnat pa din siya pero nakakatayo at nakakalabas na siya ng kwarto. Pinapasok na ni MayMay sina Pat at Trica kasi kaya nanamn daw niya sarili niya. Sobrang naabala na niya ang mga kaibigan.
Nung gabing yun, naisipan magluto ni MayMay ng dinner para hindi na magluto sina Pat at Tricia. Makabawi man lang sa pagbabantay nila.
Pat
"May! Nandito na kami!"
Pagkapasok ni Pat at Tricia, nakita nila si MayMay naggagayak ng sangkap pang ulam.
Tricia
"Anong ginagawa mo? May lagnat ka pa, baka mabinat ka."
MayMay
"Magluluto ako. Ipagluluto ko kayo. Makabawi man lang ako."
Pat
"Ano ba nangyari sayo? Hindi ka ba hinatid ni Edward pauwi at sinugod mo ang ulan? Baliw ka ba?"
Naghihiwa na si MayMay ng sibiyas ng maalala ulit ang nangyari sa kanya nung huling pagkikita nila ni Edward.
Pat
"...Ano ba nangyari at panay din ang tawag ni Edward. Ang kulit-kulit. Pinatay mo ba cellphone mo? Hindi ka daw niya makontak."
May luhang pumatak sa mata ni MayMay.
Tricia
"Oh! Anong nangyari sayo?"
MayMay
(naiiyak)"Yung sibuyas kasi..."
Sa simpleng luha, nagtuloy-tuloy ang pagiyak ni MayMay.
Tricia
"Ay! Ay! Ay! Tama na yan! Bumili kami ni Pat ng pang dinner natin. Itigil mo na yan. Lika dito."
MayMay
(umiiyak) "Yung...sibuyas... sibuuuuyassss..."
Pinuntahan ni Tricia si MayMay na umiiyak. Inalis sa kamay ang kutsilyo at inakay si MayMay papuntang sala at dun naupo.
Pat
"oh eto ice cream. Bumili kami ni Tricia ng ice cream kanina."
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanfictionDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...