xxx
Edward
Edward
"Bro, I miss her."
Habang nanonood siya, bumabalik lahat ng alaala nila ni MayMay. Simula sa pagkikita niya with John hanggang kay EJ. Unti-unti niyang narerealize na gusto niya na si MayMay. Hindi man mapaliwanag paano, pero sa pinapanood niya alam na nito kung anong nararamdaman para kay MayMay.
Ngayon, hindi na ito para sa presentation lang, totoo na ito.
Marco
"What did you say?"
Patuloy lang sa pageedit si Marco nang inanong niya si Edward.
Edward
"Bro, I miss her. I think I have feelings for her."
Tumigil sa pageedit si Marco at humarap kay Edward. Tinitigan ang kaibigan. Matagl-tagal ang nangyaring titigan bago nakapagsalita si Edward.
Edward
"What???"
Marco
"Really Edward? Just now?! Bro alam ko matalino ka pero... hindi mo naitanong sa sarili mo kung paano ka nagpanic nung akala mo nawala yung cellphone na pinantetext kay MayMay; pero yun pala nakalimutan mong binigay mo pala kay Yong? Hindi mo narealize kung paano mo kulitin si Viv na magpa-update sa mga kaibigan ni MayMay kung kalian ang balik? At hindi ka ba nagtaka na bakit muntikan na kayo magaway ni Yong dahil sa paulit-ulit na pagpapaalala na itext si MayMay; at ano rason, consistency!? Ano ba! Ano ba ginawa sayo ni Heaven at ganyan ka na kamanhid ngayon?"
Nafufustrate sa kanya si Marco. Bakit ang slow niya ngayon; na para bang mas alam pa ni Marco ang nararamdaman ng kaibigan kaysa sa sarili.
All this time, napapaisip lang si Edward kasi parang natatanong niya sa sarili niya, Anong nangyari? Bakit parang hindi ko alam ito?
Marco
"So... anong gagawin mong ngayon?"
Edward
"Wala..."
Marco
"Anong wala? Wala kang gagawin? Hahayaan mo lang gaya ng dati?"
Edward
"Marco, hindi ako kilala ni MayMay. Ang kilala lang niya si John at Ej, hindi ako."
Marco
"Hhmmm... ako bahala!"
Pagkasalita ni Marco, humarap na siya sa computer at pinagpatuloy ang pageedit.
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
FanfictionDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...