xxx
Edward
Nagmemeeting sila nang biglang tumawag si Pat.
Saglit nagusap sina Pat at Edward at hinarap na ni Edward ang team niya.
Yong
"Oh Baby! Anong sabi ni Pat? Hahahaha"
Nagtawanan silang lahat. Nakita nilang lahat ang nangyari sa fishballan kanina.
Marco
"Infairness sa mga kaibigan ni MayMay, ang bilis gumawa ng istorya eh!"
Kisses
"Bakit? Paano mo nasabi yun."
Marco
"Ang usapan, ipapakilala lang nila si Edward kay MayMay. Akalain mo yun, nakaisip agad paano ipapakilala si Edward. Nagulat nga ako sa usapan nila kanina e. Nakita ko lang habang nagmomonitor."
Yong
"Hindi nga ako nakahanap ng tyempo e. Kanina, pigil na pigil akong tumawa kasi nakakatawa silang tatlo magusap."
Marco
"Tska hindi pala masyadong nagkakakain ng fishballs itong si MayMay. Buti talaga napalabas nila. Sinabi lang sa akin ni Tricia kanina nung nakipagkita ako sa kanya, sa labas ng Spa para sa instructions."
Kisses
"Pwede pala natin sila ihire sa mga future concepts natin e."
Edward
"Ok guys. Second meet-up is on Saturday. So Viv and Kisses secure all permits needed and hanap na ng mall na convenient to both parties."
Tumango sila Viv and Kisses bilang sagot.
Edward
"Yong and Marco, we won't need cameras this time, both of you will be joining us. What we need are 5 hidden cams, 4 lapels mics. Viv and Kisses, kayo in-charge sa pagmonitor and audio, very important."
Yong
"Pero Edward baka makilala kami ni MayMay."
Marco
"Oo nga! Baka makilala ako ni MayMay as Mr. Hoffman."
Edward
" Hindi yan... Magdadagdag lang tayo ng konti dyan sa mga itsura niyo. Ok guys, yung lang for now. Yong and Marco stay. Ididiscuss ko sa inyo yung sinabi ni Pat sa akin. May pinapagawa sila sa atin."
Tumayo na sina Viv at Kisses para simulan na ang trabaho.
Yong
"Ayos ha! May bagong team leader? Susunod lang tayo?"
Edward
"Hindi ganun yun. Mas kilala nila si MayMay kaya alam nila paano magwowork yung plan natin."
Marco
"Ano ka ba pare, paano makakaporma itong si Edward kung hindi niya masosolo si Marydale. Hahaha!!"
Yong
(pabulong)" Bakit? May balak kang ligawan? Ay bakit naman ako magtatanong, e kitang-kita naman kanina... Balikbayan ba si MayMay at ganun ang naging itsura mo kanina? Iba e... iba.
Marco
(pabulong)" Paanong iba? May spark na?"
Yong
"Hindi. May pananabik. Yung makikita mo sa reakyon niya kanina parang ang tagal nawala ni MayMay. Sobrang galak at namiss niya. Ganun! Ganun yung reaksyon niya kanina. Buti kamo magaling itong si Pat pumulupot kay Edward at si Pat lang ang pinapanood ni MayMay. Hindi niya nakita na maluhaluha etong isa kanina.
Habang nakikinig si Edward kila Marco at Yong, hindi niya napansin na ganun na pala ka-obvious ang reaksyon niya kanina. Siguro hindi nya lang talaga mapigilan nung nakita na niya si MayMay.
Sobra niyang namiss talaga si MayMay.
Yung mga panahong nabakasyon sila, dinala ni Edward sa bahay sa Makati ang ilang video nila ni MayMay. Yun lang ang araw-araw niyang pinapanood kapag nararamdaman niyang gusto makita si MayMay. Kaya nung nakita kanina si MayMay, gusto na niyang yakapin ang dalaga. Pigil na pigil lang siya. Pasalamat nalang at nasa gitna nilang dalawa si Pat at Tricia baka hindi niya na alam kung ano nagawa niya.
Yong
"Siguro totoo nga yung kinuwento sa akin ni Kisses..."
Marco
"Ay wala! Tinamaan nga ang kaibigan natin."
Nahimasmasan na si Edward at muling hinarap si Marco at Yong.
Edward
"Ok na kayo magkwentuhan? Nakalimtan niyo atang nandito lang ako oh?"
Tinawanan lang siya nina Marco at Yong. Halatang totoo nga ang chismis.
Edward
" Ok. Eto ang sabi ni Pat sa akin..."
Sinabi na ni Edward ang balak gawin ni Pat sa kanila. Binigay na din niya ang mga instructions na pinapagawa ni Pat sa kanilang tatlo.
BINABASA MO ANG
Siya na ba?
Fiksi PenggemarDon't look for LOVE, LOVE will FIND you. What if akala mo siya na pero hindi rin pala siya. At kung kelan hulog na hulog ka na dun ka pa masasaktan ng sobra-sobra. THEY Said: Hayaan mo ang puso ang mamili kung sino. SHE Said: Masaya ako sa kanila...