Chapter 2

4.3K 172 26
                                    

A/N: Chapter 2 na po tayo. Sensiya na sa wrong grammar/spelling, punctuation marks etc. Enjoy reading. Hohoho

----------------------------------

Chapter 2: Unexpected


POV. Brent Joseph

Hayyyy... Ang sarap ng tulog ko ang lambot at ang bango-bango ng kama na ito. Pero parang may nakatitig sa akin.

Pagdilat ko. Nasa langit na ba ako? Nasa harap ko ang aking superman.

Nakatitig siya sa mga mata ko at parang kinikilala ang buong pagkatao ko.

Napatitig ako at pinagmasdan ang kanyang mukha. Ang kanyang mga mata ay kulay brown, may mahabang pilikmata, matangos ang ilong, makinis na balat, makapal ang kilay at napatingin naman ako sa labi niyang mamula-mula at tila nang-a-akit na ito’y halikan.

Grabe! Kung panaginip lang ito, ayaw ko nang magising. Namumula pa siya na parang babae dahil mas lalo ko pang inilapit ang aking mukha sa kaniyang mukha.

EHEM!!” malakas ang pag-ubo nang kung sinuman.

Nagulat ako at nanlaki ang mga mata. OMG! OMG TALAGA !! hindi ito panaginip. Nilayo ko ang mukha ko sa kaniya at napatayo bigla dahil sa gulat.

Sorry po.” Nakayuko kong paumanhin sa kaniya at namumula dahil naalala ko ang ginawa kong paglapit sa mukha niya. Nakakahiya talaga.

Sino ka ba ha? Bakit ka nandito sa room namin?” tanong pa ng isang lalaki na matangkad, chinito at gwapo din.

Ito po kasi ang ibinigay na room sa akin ni Mrs. Madrigal.’’ Sagot ko sa mahinang tono. Mukhang masungit pa itong isang 'to ahh.

Tama na nga iyan.” asik ng isang lalaki na mukhang seryoso sa buhay. Sabay batok sa lalaking chinito.

Pasensya ka na. Binibiro ka lang niyan. Ako nga pala si Oliver Van Francisco. Tawagin mo na lang akong Van.” Pakilala pa niya. Napangiti na lang ako at naalis ang kaba sa dibdib.

Hehehe... Ako nga pala si Andrei Young. Drei for short at ito naman si Ethan Klyde Lavigne ang poging-pogi kong kaibigan.” Nakangiti niyang sabi at inakbayan pa si Ethan na hanggang ngayon ay namumula pa.

Tama! sila nga iyong kasama ni Ethan sa mga picture na nakikita ko sa mga social media post. Sila 'yung mga kaibigan ni Ethan. Bakit ngayon ko lang napansin?

“A..ako si Brent Joseph Flores . Pasensya na kayo dahil pumasok na agad ako dito sa kwarto.” Nahihiya kong pagpapakilala sa kanila.

“It’s okay. We understand. Mukhang pagod ka. So, transferee ka dito sa LU?” tanong ni Van.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon