A/N: Warning!! Paalala!! Babala!! Ang ilan sa mga words dito ay hindi kanais-nais o hindi angkop sa mga bata. Here's chapter 12. Enjoy reading.
Chapter 12: Bestfriend
POV. Brent
"Brent? Wake up!" Mahinang boses ni Ethan.
Wait? Si Ethan?
Unti-unti kong idinidilat ang aking mga mata.
Si Ethan, nakangiting nakatitig sa akin. Pero? Bakit?
"Samahan mo naman ako sa mall? Please?" Pagpapacute niya.
Napangiti ako dahil para siyang bata. Paglingon ko sa kama nila Drei at Van ay nakita kong tulog pa ang mga ito.
"Hayaan na mo na sila diyan. Dali! Magbihis ka na." Mahina at may pagmamadaling sabi ni Ethan.
Nagtungo na ako sa banyo upang makaligo. Ilang sandali lang ay nagbihis na rin ako.
Simple lang ang damit ko. Maluwag na black t-shirt na may print na "just do it" at denim pants. Wala na kasi akong ibang damit na pang-alis at ito na lang ang isinuot ko. Bahala na.
Paglabas ko ng banyo ay dumiretso na ako sa may sala. Tulog mantika pa rin ang dalawa sa kwarto. Napailing ako at napangiti, hindi ko kasi akalain na magiging malapit ako sa kanila.
Ewan ko ba kung anong pinag-gagagawa nung dalawa kung bakit napuyat.
"Booo!"
At dahil nagulat ako ay hindi ko na napigilan ang bugso ng aking damdamin. Nagulat pa ako dahil si Ethan pala ang nasapak ko sa mukha.
"E-Ethan! S-sorry.. Hindi ko sinasadya. Nanggugulat ka kasi eh!" Paghingi ko ng paumanhin.
Napansin kong nakapolo shirt siya na kulay blue at skinny pants.
"Hahaha grabe! Nananapak ka pala 'pag nagugulat!" Natatawang sabi niya.
Baliw talaga 'to nasapak na nga natatawa pa.
Napasimangot ako. Bakit kasi kailangan manggulat? Mabuti na lang at medyo mahina ang pagsuntok ko.
"By the way, ready ka na ba?" Tanong niya.
"Ha? Ready saan?" Naguguluhan kong tanong.
"Sa mall, sasamahan mo akong bumili ng susuotin ko for the talent show." Nakangiti niyang sagot.
Bigla kong naalala, wala pa pala akong costume. Hayss! Bahala na nga. Alam naman ni Tintin ang gagawin.
Mabuti na lang, mamaya pa ang pasok namin sa klase at wala akong trabaho ngayon.
"Sige, pero bakit hindi sila Van o Drei ang isama mo?" Tanong ko.
"Wala akong mapapala sa dalawang 'yun. Aasarin lang nila ako." Naaasar niyang sagot.
"Halika na nga!" Sabi niya sabay hila sa akin.
Nang makarating na kami sa ducati niya ay 'di ko talaga maiwasang hindi mamangha. Ang ganda talaga nito.
BINABASA MO ANG
Pretending For You [boyxboy]
Ficción General"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRETENDING TO BE A STRAIGHT MAN." -Brent Joseph Flores THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE...