Chapter 35

3.3K 132 4
                                    

A/N: Sensya, natagalan sa pag-update, dami kong iniisip eh! Hahaha. Charr, Happy reading ;)

Chapter 35: New Friend

POV. Brent

Maaga akong gumising upang maaga makapasok sa klase. Okay na rin naman 'to, dahil mas nakakaiwas ako kay Ethan.

Ilang araw ko na siyang hindi nakakausap. Gano'n din naman siya sa akin kaya hindi na ako nahihirapan.

Pero nakakapagtaka lang, hindi ko kasi alam ang dahilan niya, kung bakit niya ako iniiwasan. Ang weird lang.

Natigil ako sa pag-iisip, dahil napagtanto kong ilang minuto na lang ay mag-i-start na ang klase.

Mabuti na lang ay nakapag-almusal na ako at naghahanda na lang sa pagpasok. Nag-iwan ako ng makakain para kay Ethan. Bahala na lang siya kung kakain o hindi.

Kahit papa'no, ay nag-aalala pa rin naman ako sa kanya. Bumuntong hininga ako. Nandito pa rin kasi ako sa dorm at nagmuni muni.

Si Ethan, ayu'n tulog pa rin hanggang ngayon, sabagay mamaya pa naman ang klase niya, anong oras na rin siyang nakauwi kagabi.

Ewan ko ba du'n! Baka may lakad sila ni Crix o date?...

Napansin ko ring umiinom siya ng gamot kada apat na oras at nangangalum-mata, laging malayo ang tingin niya at parang may malalim na iniisip.

Sina Van at Drei naman ay nasa business tour. Ang sabi sa akin ni Drei ay sinama raw siya ni Van kaya ayu'n, buhay business man siya ngayon.

Napailing ako, parang big deal naman kay Drei na isama siya ni Van sa business tour. Naalala ko tuloy nung sinama ako ni Van sa company nila at for business matters din 'yon. Napabuntong hininga ako. Nakakamiss din pala.

Kinuha ko ang bag ko at inilagay sa aking likuran. Huminga ako ng malalim upang mabawasan ang stress na nararamdaman.

Nitong nakaraang araw kasi ay naging busy ako sa pagtratrabaho sa restaurant at pagrereview dahil sa darating na exam week. Matatapos na kasi ang unang semester ng taon, kaya pinaghandaan ko ito.

Sabi nga nila, there are so many things can make you happy. Don't focus too much on things that make you sad, kaya 'yun ang ginagawa ko.

Focus sa study, trabaho at kaibigan, tulad ni Tintin na lagi akong kinukulit. Hahaha!

Ilang sandali ay lumabas na ako ng dorm at naglakad ng tahimik. Hindi ko pinansin ang mga taong nadaraanan ko at ang tanging ginawa ko lang ay tumingin ng diretso sa daan.

"Wui!" Malakas na sigaw ni Wincel.

Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat. Mabuti na lang at napagil ko ang sarili na manapak.

Napalingon ako kay Wincel na ngayon ay nakahawak na sa aking braso, nakangiti at tila walang pino-problema sa buhay.

Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Sabay na tayong maglakad." Nakangiti niyang pahayag. Tumango ako at nag-umpisa na nga kaming maglakad.

Nang makarating kami sa classroom ay agad siyang umupo sa upuan at binaba ang gamit. Sumunod ako sa kanya at pagkaupo ko ay tahimik lang akong nagmasid sa classroom, wala pa kasi si Prof.

Si Jennifer ay tahimik na nagbabasa, si Crix ay tahimik lang din na nakatingin sa harapan at si Wincel ay kinukulit ang babaeng nakaupo sa kanyang likuran. Ang iba naman ay busy sa pakikipag-usap sa kani-kanilang mga kaibigan.

Bumuntong hininga ako at napatingin sa cellphone. Napapikit ako. Naalala ko kasi 'yung mga tawag at text ni Ethan, na madalas niyang ginagawa.

Kinurot ko ang sarili kong kamay, dahil sa inaasta ko ngayon. Siguro, nasanay lang ako na lagi siyang tumatawag at nagtetext nung nakaraan.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon