Chapter 37

3.6K 120 36
                                    


A/N: Wah! Salamat po sa mga naghihintay ng update ko at sa mga nagbabasa nito! Ayiieee.. Hihihi! Enjoy this chapter muah!

Chapter 37: Dying Inside

POV. Brent

"Pinagtagpo pero hindi itinadhana"

Minsan iniisip ko kung tama nga ba sila na pinagtagpo nga kami ni Ethan pero hindi itinadhana.

Huminga ako ng malalim. Hindi ako nakatulog dahil sa mga nangyari kagabi. Ngayong umaga, iniisip ko kung papa'no ko siya maiiwasan.

Wala kaming pasok sa klase. Hindi na rin muna ako pinapapasok ni boss Ann sa trabaho dahil sa nangyari sa aking pag-collapse.

Tambay tuloy ako sa dorm ngayon.

Hay! Sana umalis na lang si Ethan sa dorm para ako na lang dito mag-isa, tapos iisipin ko ulit siya. Sheymmsss! Nababaliw na talaga ako.

Umiling-iling ako at biglang napaisip.

Hindi ko alam kung bakit tumugon ako sa halik ni Ethan. Ako 'tong nasa katinuan, tapos pinatulan ko pa 'yung lasing. Napapikit ako at naalala ang mga nangyari.

"I love you."

"I love you."

"I love you."

"I love you."

"I love you."

Paulit ulit na tumatatak sa utak ko ang mga sinabi niya. Maniniwala ba ako at aasa, na... ako nga ang sinasabihan niya ng mga salitang masarap pakinggan?

Napahawak ako sa labi ko. Tila nandito pa rin ang labi niyang malambot at masarap halikan.

Hindi ko alam kung pa'no ko siya naitulak ng buong lakas, kagabi. Para akong natulog at nagising sa katotohanan na mali ang ginagawa namin.

Hindi mawala sa isip ko na pinagsamantalahan ko siya. Na dahil lasing lang siya kung kaya't nagawa niya ang mga bagay na hindi naman dapat.

Bumuntong hininga ako at sinampal ang sarili. "Brent, ano bang nangyayari sa'yo?" Mahinang sabi ko.

Nabigla ako dahil sa pagtunog ng aking cellphone. Pagtingin ko sa aking cellphone ay nakita ko ang number ni Kenneth.

Napakunot ang noo ko. Bakit naman siya tumatawag? Pero... Nakapagtataka lang na alam niya ang number ko.

Bumuntong hininga ako at sinagot na lang ang tawag.

"Hello?" Sagot ko.

Kumuha ako ng tubig at nagsalok sa baso. Nandito kasi ako sa kitchen at balak ko sanang magluto pero bigla naman akong tinamad na ewan.

"Good morning sunshine! How are you?" Masayang bungad niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti. Sheymmsss! Konti na lang kikiligin na ako sa mga ginagawa niya.

"Baliw! Hahaha! Anong mayro'n? Bakit ka napatawag?" Natatawa kong tugon sa kanya. Hindi ko tuloy mainom inom 'tong tubig na sinalok ko.

"Kailangan bang may dahilan para tawagan ka? Hindi ba p'wedeng gusto ko lang marinig ang boses mo?" Seryosong sabi niya.

Natigil ako dahil hindi ko mapigilan ang kilig. Napakagat ako sa ibabang labi at feeling ko ang pula pula na ng mukha ko ngayon.

Enebe?

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon