Chapter 9

3.5K 150 6
                                    

A/N: Here's chapter 9.. Enjoy reading.. *_*

Chapter 9: Bonding with Van

POV. Brent

Tanghali na nang ako ay magising. Pinagmasdan ko ang paligid. Nasaan kaya sila?

Tumayo na ako at inayos ang higaan. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa banyo.

Gabi na akong nakauwi dahil nagkamustahan pa kaming magkakatrabaho at itinuro sa akin ang mga bagong menu ng restaurant.

Hindi ko na nga namalayan na nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod.

Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa kusina.

"Mabuti at gising ka na." sabi ni Van mula sa aking likod.

Sa gulat ko ay muntik ko na siyang masuntok sa mukha. Mabuti na lang at napigilan niya ang aking kamay.

Hindi ko man lang siya napansin dahil diretso lang ang aking tingin habang naglalakad.

"Ahahaha!" Malakas niyang tawa.

Tinapik ko siya sa braso. "Natatawa ka pa. Bakit ka ba nanggu-gulat?" Tanong ko. Napahawak pa ako sa aking dibdib.

"Ang cute mo naman magulat. Hahaha!" natatawa niya pang sabi. Baliw 'yata 'to.

Tinignan ko na lang siya ng masama. Nakakaasar!

"Hahaha! Okay pasensiya na." aniya.

Umupo na lang siya malapit sa table. Napansin ko na nakasuot ito ng pang-opisina.

"Nasaan nga pala sina Drei at Ethan?" Tanong ko at kumuha ng tubig sa ref.

"Kakaalis lang. Pupunta sila sa gym. Alam mo na..." sabi niya habang ako ay umiinom ng tubig.

"Eh? Bakit hindi ka yata kasama?" tanong ko at napatingin sa kaniya.

"Pinapupunta kasi ako ni Dad sa office. Wala naman akong secretary na tutulong sa akin para mag-aayos ng mga paperworks at 'yung sa proposal ko." napasimangot niyang sabi.

"Hahaha! Hindi bagay sa iyo ang nakasimangot diyan. Mukha kang matandang may arthritis." natatawa kong usal.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. Ang sama ng kutob ko dito ah?

"Ah! natatawa ka pa ha?" Aniya at bigla ako sinakal gamit ang kaniyang kamay at braso na animo'y para kaming nasa isang wrestling competition.

Nagpupumiglas man ay hindi ko siya kaya. Bakit ba ang laki ng katawan niya? Huhuhu!

Hindi naman sa nasasaktan ako sa ginagawa niya, maluwag pa nga ito at halatang nagbibiro lang. Nakakailang lang dahil ang lapit namin sa isa't isa.

Sheymmsss! 'yung abs and muscles bes dama ko pati na rin yung something na matigas down there.

Natatawa siyang makita akong nahihirapan. Baliw pala 'tong si Van.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon