Chapter 41

3.4K 142 11
                                    

A/N: Salamat po sa mga bumoboto. Feeling ko tuloy nanalo ako sa eleksyon. Hahaha! Char! Anyway, enjoy this Chapter, alam kong mahaba haba ang hinintay niyong araw dahil sa mabagal kong pag-update.

Chapter 41: The Game

POV. Brent

Hindi ko alam kung lalabas pa ba ako rito sa banyo. Tinitigan ko ang aking mukha. Pulang pula na ito at parang sasabog.

"Brent Joseph Flores! Ano ba 'yung ginawa mo?!" Mahina kong bulong sa sarili.

Gusto kong lamunin na ako ng lupa dahil sa kalandiang taglay ko. Hindi ko alam kung ano 'yung mga nagawa ko kanina. Masyado akong naiinis at nagseselos dahil lang sa kanila ni Crix.

Bumuntong hininga ako. Dapat kong harapin si Ethan. Sheymmsss! For sure nabitin 'yon!

Umiling ako at inayos ang sarili. Naghanda sa paglabas sa banyo. Ilang sandali ay binuksan ko ang pinto at ako'y lumabas.

Katahimikan ang nanaig sa bawat sulok ng kwarto. Nanginginig tuloy ako na hindi ko maintindihan.

"Urgggh! Sa susunod talaga hindi na ako gagawa ng mga bagay na hindi ko pinag-iisipang mabuti." Inis na sabi ko sa sarili.

Maglalakad na sana ako ng may biglang yumakap mula sa aking likuran.

"I love you, Brent. Kahit na binitin mo ako." Mahinang bulong sa akin mula sa aking likuran.

Tumaas ang balahibo ko sa katawan dahil lang sa mahina at mapang-akit niyang boses. Para akong nahihipnotismo at naaadik sa kanyang tinig.

"Ethan..." Mahinang tawag ko sa kanya at humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Ang mga kamay niya ay nasa aking tiyan at ang baba niya ay nakapatong sa aking balikat. Nararamdaman ko rin ang unti-unting umuumbok sa aking likuran.

"Brent, p'wede bang tapusi..." Naputol ang sasabihin niya ng may biglang kumatok ng malakas.

Napahiwalay ako sa kanya at agad akong nagtungo sa pinto ng room. Narinig ko pang napatadyak si Ethan, dahil siguro sa pagkainis du'n sa kumakatok.

Ilang sandali lang ay binuksan ko ang pinto. Bumungad sa akin si Drei na nakasimangot.

Napakunot tuloy ang noo ko dahil sa itsura niya. "Bakit ang tagal mong buksan 'yung pinto?" Inis niyang saad at dumiretso papasok sa kwarto.

Napalunok ako at parang napipi dahil sa hindi ko alam ang isasagot ko. Napakamot na lang ako sa ulo. Sheymmsss naman oh!

"Ah... A-ano Drei? Bakit ka pala nandito? May problema ba?" Nauutal kong tanong.

Umupo siya sa tabi at nangalumbaba.

"Nakakainis kasi! Imbes na matutulog ako at magpapahinga, nangungulit pa 'tong si Van! Huhuhu! Okay lang sana kung si Sheena 'yon eh!" Nakanguso niyang pagsusumbong.

Naupo ako sa tabi niya. "Gusto mo dito ka na lang muna?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya.

"No, hindi p'wede!" Malakas na pagtutol ni Ethan na ngayon ay umupo sa harapan namin.

Hinawakan ako sa kamay ni Drei. Napatingin tuloy ako sa kanya na ngayon ay mangiyak ngiyak na hindi ko maintindihan.

"Don't touch him!" Galit na sabi ni Ethan.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon