A/N: Enjoy reading.
Chapter 7: My Dance Partner
Kringg, kringg, kringg
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa. Tumatawag si Tin.
"Morning Tin!" bungad kong sagot sa kaniya habang inihahanda ang pagkain sa mesa.
Ilang oras na lang ay klase na namin ngunit sina Ethan, Drei, at Van ay hindi pa rin gumigising.
"Morning din Josephine. I have a good news." masayang sabi niya.
Umupo ako malapit sa table. Dito ko na lang sila hihintayin para sabay-sabay na kami kakain nila Ethan. Tapos na din naman ako magluto.
"Ano naman 'yon?" tanong ko.
"Nakahanap na ako ng makakapartner mo sa sayaw." excited na sabi niya. Napasimangot na lang ako.
"Akala ko naman kung ano na! Sino naman ang nahanap mo?" bored kong tanong kahit marunong ako sumayaw ay hindi ko talaga kaya magperform sa maraming tao.
"Hahahah! Okay lang 'yan Josephine. Nakausap ko si Ana, yung anak ni Aling Puring. Pumayag siya na makapartner mo basta ililibre mo siya ng bagong jersey." natatawang usal niya.
"Wow talaga? Paano mo na pilit si Ana?" gulat kong tanong at napatayo pa ako.
"Paulit-ulit? Oo nga! Basta ilibre mo daw siya ng jersey. Okay lang naman daw kung daring na sayaw ang ipeperform niyo. Hahaha!" natatawang paliwanag niya.
"Tin naman." nanlulumo kong sagot.
"Cheer up Josephine. Si Ana lang naman iyon. Hindi ka nu'n tutuklawin, tska hindi kayo talo. Hahaha" sarcastic niyang tugon.
"Okay, pupunta na lang ako diyan mamaya after class." Pagpayag ko.
"Yes! Sige bye Josephine. I love you and take care. Muahh!" paalam niya.
"I love you too. Ikaw din take care." sagot ko at binaba ang tawag.
"Saan ka pupunta?" gulat akong napatingin sa nagsalita. Si Ethan kasama sina Drei at Van.
Halatang kakagising palang nila dahil nakapangtulog pa at mukhang narinig nila ang usapan namin ni Tin.
"Sa Sta. Rosa, pupuntahan ko si Tin. Nakahanap na kasi siya ng dance partner ko." sagot ko kay Ethan na ngayon ay nakakunot ang noo.
Sina Van at Drei naman ay kumain na. Mabuti na lamang at hindi na nagtanong si Drei sa nangyari kahapon kung kaya't hindi na ako naiilang sa kaniya ngayon.
"Saan naman 'yung Sta. Rosa? Gusto mo bang ihatid na kita? Gabi na rin ang tapos ng klase natin baka kung ano pa ang mangyari sa iyo!" seryosong alok ni Ethan at tinitigan pa ang aking mata.
BINABASA MO ANG
Pretending For You [boyxboy]
Ficción General"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRETENDING TO BE A STRAIGHT MAN." -Brent Joseph Flores THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE...