Chapter 34

3.2K 128 10
                                    

A/N: Here's an update! 'Wag po kayong mahiyang magcomment, hindi naman ako nangangain! Bwahahaha.. Happy Reading!

Chapter 34: Night Out

POV. Brent

"Josephine, ano ba 'wag mo nga akong yakapin!" Nag-iinarte niyang sabi pero nakangiti. Baliw talaga!

Umupo ako sa kama at tinigilan siya sa pagyakap. Kinukulit ko kasi siya na gumala, dahil kapag nandito lang kami sa bahay ay naiisip ko lang si Ethan.

Kailangan kong maglibang upang maibalin ang isipan ko sa ibang bagay. Kahit mahirap ay kakayanin, para rin naman sa sarili ko 'to.

Tinignan ko si Tintin na ngayon ay nakapikit at mukhang matutulog na! Sheymmsss naman! Hindi ko na tuloy makulit ang bruha.

Napakunot ang noo ko ng marinig na iba na ang tunog ng cellphone ko. Ringtone na kasi na may tumawag.

Tumayo ako at pumunta kung saan iniwan ko ang cellphone. Nakasimangot ko itong kinuha at napanganga ako sa dami ng tawag ni Ethan.

"Ano na naman ba Ethan?" Mahinang sambit ko.

Halos mabitawan ko ang cellphone dahil bigla itong tumunog. Tumatawag ulit siya.

What should I do? Sagutin ko na ba 'yung tawag?

Umiling ako at in-off ang cellphone. Huminga ako ng malalim at napaupo ulit rito sa sala.

Nakakainis! Bakit pa siya tumatawag? Meron naman na siyang girlfriend ah? Napakunot ang noo ko ng makita ang bag ko.

Nandoon kasi ang maliit na calling card ni Jason. Tama! Siya na lang ang tatawagan ko. Naalala ko kasi na niyaya niya ako na mag hang out.

Tumayo ako at kinuha ito. Pero, pa'no ko siya tatawagan kung naka-off ang cellphone ko?

Sheymmsss! Nakakainis talaga!

Bumalik ako sa kwarto at umupo ulit sa kama.

"Tintin?" Mahinang tawag ko at niyakap ulit siya. Madali ko lang siyang nayakap dahil nakaharap ito sa akin.

"Ano ba?" Mahinang tugon niya pero yumakap naman siya pabalik sa akin. Isiniksik ko ang sarili ko sa kanya.

"Tintin, hihiram sana ako ng cellphone mo, makikitawag lang sana?" Paglalambing kong sambit.

Itinuro niya kung nasaan ang cellphone at bumalik ulit sa pagkakatulog. Dahan dahan akong tumayo at kinuha ang cellphone niya.

Hawak ko pa rin ang calling card ni Jason at sinubukan siyang tawagan gamit ang cellphone ni Tintin.

Ilang beses akong tumawag at mukhang busy pa ito. Ilang sandali lang ay sinagot na niya ang tawag. Lumabas ako ng kwarto upang hindi marinig ni Tintin na aalis ako.

"Hello? Who's this?" May pagtataka sa boses niya.

Sheymmsss! Kahit bakla siya ay parang babae ito kung magsalita. Naiinggit tuloy ako.

"Hi! Si Brent 'to. Nakitawag lang ako." Agad na tugon ko, baka ibaba niya ang tawag at akalain na stranger ako.

"Oh? Brent. Bakit ka pala napatawag? May problema ba?" Nag-aalala niyang tanong.

Umupo ako ulit rito sa may sala at bumuntong hininga.

"Ah... Ano kasi?... Busy ka ba ngayon? I mean, 'yung ino-offer mo sa akin nung nakaraan?" Nahihiya kong sabi. Sheymmsss! Parang biglang umurong 'yung dila ko.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon