Prologue

13.1K 267 44
                                    

A/N: This is my first story. I hope you like it. Pasensya na po sa mga wrong grammars, punctuation marks etc. Leave your comment about the story. Enjoy reading.

--------------------------

POV. Brent Joseph Flores

Hayys ang sarap talaga matulog lalo na 'pag-ganito, tahimik ang klase. Wala pa bang guro? At himala tahimik din ang mga maiingay kong kaklase.

Hindi din ako kinukulit ng aking mahal na bessy. Anong oras na ba? Tsk. 'Di ba ang estudyante bawal malate! Bakit ang guro? Huhuhu nasaan ang hustisya?

Sabagay, mayroon yata silang meeting dahil nalalapit na ang ika-100 foundation day ng aming paaralan. Ayiiee excited na ako. Ano kayang mangyayari?

"MR. BRENT JOSEPH FLORES?" ani ng pamilyar na boses at tila may halong inis sa kanyang tono ng pananalita.

"AYY! MANGYAYARI!" gulat kong sabi sa harap ng aming klase. Napatayo pa ako at halos matumba sa aking pagkakatulog mula sa aking inuupuan.


Nandito na pala ang aming guro na si Mrs. Tan. Ang kanyang mukha ay hindi maipinta at gulat naman ang makikita sa mukha ng aking mga kaklase, maging ang aking bessy na si Tintin ay halatang natatakot na sa magiging kahihinatnan ko sa aming guro.

"M..Mrs. Tan, humihingi po ako ng paumanhin." Nayuko kong tugon sa kanya at halos may nginig sa aking tono ng pananalita.

"Mr. Flores, alam mo naman na ito ay oras ng klase at hindi oras ng iyong pagtulog. Ang iyong mga kaklase ay handang makinig sa aking tinuturan ngunit ikaw ay hindi man lang nakikinig? At ano naman ang sinasabi mong mangyayari? Hay naku ang mga kabataan talaga. Oh siya ituloy na natin ang talakayan." Pagpapaliwanag ng aming guro.


Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon