Chapter 44

2.7K 109 13
                                    

A/N: Hi readers. I'm back. Hihihihi! Happy reading!

Chapter 44: Confused

POV. Martin/Tintin

Nagising ako dahil sa lamig na nanunuot sa aking balat. "Alam kong mukha akong rich kid pero hindi ko 'ata kakayanin 'yung lamig ng aircon!" Naiinis kong sambit na akala mo may kausap.

Paano ba naman? Si Brent at si Ethan ay may pinuntahan. Ang paalam ni Ethan sa mga kaibigan niya na sina Van at Andrei ay mayroon daw ka-business meeting iyong si Ethan, kaya pupunta raw muna silang Italy.

"My gosh! If I know, magdadate lang 'yung dalawang 'yon! Hindi pa ako sinama!" Nakanguso kong pahayag.

Napairap tuloy ako. Halos mag-iisang linggo na rin ako dito sa resort ni Crix pero wala pa rin akong balita kay Josephine! Kahit text o tawag wala akong natanggap! At ang nakakaasar ay laging si Ethan ang nakakausap ko sa telepono niya.

"Mabuti na lang at mababait itong kaibigan mo Josephine, kung hindi baka mamatay ako sa pagkabored dahil iniwan mo ako!" Pagsasalita ko habang nililigpit ang pinaghigaan ko.

Hininaan ko na rin ang aircon dahil baka mamatay naman ako sa lamig. Feeling ko nga ay pumuputi na ako eh.

Pumasok ako sa banyo at inumpisahan ko ang mga dapat gawin. Naligo, sipilyo and so on.

So far, nag-eenjoy ako rito sa resort. Swimming, at may mga activities pa na ginagawa para lalong mag-enjoy ang mga bisista.

At lalo kong nagustuhan ang pag-i-stay ko dito. Paano ba naman? Sina Van at Andrei pa lang ay ulam na. Nako! Busog na busog ang mga mata ko.

Humarap ako sa salamin ng banyo at pinagmasdan ko ang mala-dyosa kong kagandahan.

"Paano ko kaya maaakit sina Van at Andrei?..." Habang nag-iisip ako ng paraan ay biglang sumagi sa isip ko 'yung mukha ng bruha.

"Iww, yuck! Bakit ko ba siya naiisip?" Napabuntong hininga ako.

"Okay na sana eh, bakit kasi naiisip kitang babae ka!" Naiinis kong sabi sa sarili ko na akala mo ay nasa harap ang babaeng kausap.

Napailing ako. Napagtanto kong mag-aalmusal na nga pala kami ngayon at uuwi na rin mamaya.

Ilang sandali ay tapos na akong mag-ayos. Lumabas na ako sa kwarto at kapag minamalas ka nga naman.

"Bakit ka nandito?" Nakataas na kilay na sabi ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Hindi mo ba ako babatiin?" Nakangiti niyang bungad at hindi man lang pinansin ang pagtataray ko.

Pero teka... Birthday niya ba?

"Happy birthday Wincel, wish you all the best, mabuhay ka, MBTC!" Halos walang gana kong bati.

Kahit papa'no okay na rin 'to. Minsan kasi nakakaasar na talaga siya eh.

Napansin kong sumimangot ang mukha niya. "Tsk! Ang aga aga nakasambakol 'yang mukha mo!" Pansin ko sa kanya.

"Eh kasi hindi ko naman birthday. I want you to greet me like good morning or you're beautiful in the morning." Nakanguso niyang sagot sa akin.

Napangiwi ako. Akala ko naman birthday niya. Nagsayang pa ako ng effort na bigyan siya ng isang birthday message.

"Ah ganon ba?" Napakamot na lang ako sa ulo dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon