Chapter 23

3.4K 131 3
                                    

A/N: Salamat po sa naghihintay ng update ko. Paalala! Medyo mahaba 'tong chapter na 'to! Hihihi! Enjoy!

Chapter 23: Basketball Game

POV. Brent

Nandito kami sa likod ng restaurant, nagpapahinga. Katabi ko si Tintin na hanggang ngayon ay kumakain pa rin.

Siguro, mahigit tatlumpu't minuto na kaming nakaupo rito, tapos na rin kasi akong kumain kaya't hinihintay ko na lang siya.

'Yung iba naming kasama ay pumalit muna sa amin para makapag-lunch kami.

Hindi ko maiwasang titigan ang cellphone na hawak ko ngayon.

From: Ethan

Brent, 'wag mong kakalimutan 'yung game namin mamaya ha?! See you there.

Halos paulit ulit kong binabasa ang text sa akin ni Ethan. Napangiti ako.

"Hoy! Josephine, anong nginingiti-ngiti mo d'yan?!" Nagtatakang tanong ni Tintin sa akin.

Napatingin ako sa kanya. "Wala." Sagot ko.

"Anong wala? Abot tainga ang ngiti mo tapos wala? Umamin ka nga sa akin..." Napaayos ako ng upo at hinintay ang sasabihin niya.

"Masakit ba talaga kapag una?" Literal na lumaki ang mata ko.

"Ano ba 'yang pinagsasasabi mo?! Anong una?!" Kunot noo kong tanong.

Binaba niya ang kutsara't tinidor na hawak at tumitig sa akin.

"Syempre, 'yang mga ganyang ngiti, eh langit ang naiisip." Mahinahong sabi niya.

Hindi sinasadyang na hampas ko siya sa braso. "Hindi noh!" Usal ko.

"What?! You mean hindi masakit? My gosh! Ano bang klaseng butas ang meron ka at hindi ka man lang nasaktan!" Malakas ang pagkakasabi niya.

Gusto ko ng himatayin dahil sa mga pinag-iisip nitong bruhang 'to.

"Hindi ko alam 'yang sinasabi mo. Tumigil ka nga!" Naiinis na sabi ko.

Napasimangot ako. Sheymmsss! Tatanda ako ng maaga rito kay Tintin eh!

"Okay, pero bakit ka nga na ngingiti d'yan?" Curious na tanong niya.

Napangiti na naman ako. Naalala ko kasi si Ethan.

"Nagtext si Ethan sa akin." Pagkasabing pagkasabi ko pa lang ay agad niyang kinuha ang cellphone ko.

Agad niya rin itong nabuksan dahil alam naman niya ang password ko.

Napailing ako. Ang hirap magtago ng sikreto sa bruhang 'to.

"Brent, 'wag mong kakalimutan 'yung game namin mamaya ha?! See you there." Basa niya sa text ni Ethan.

"Ito lang naman pala ang text niya sa'yo eh? Pa'no pa kaya kapag nagchukchakan na kayo.!" Inis na sabi niya.

Gusto kong matawa sa itsura niya dahil parang disappointed siya sa nalaman.

Huminga ako ng malalim.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon