Chapter 42

3.5K 139 33
                                    

A/N: Maraming salamat po sa mga bumabasa nitong akda ko. Sa mga nagmemessage din po sa akin. Sobrang nakakatuwa po 'yung feedback niyo sa story ko. Anyway, enjoy reading this chapter.

Chapter 42: Strange

POV. Andrei

Gusto kong gumalaw upang hindi mamanhid ang katawan ko. Para kasing may nakadagan sa akin at ang hirap alisin.

Unti-unti kong minulat ang aking mata. Muntik pa akong mapasigaw dahil sa sobrang lapit ng mukha ng katabi ko.

Nakapagtataka?

Ang alam ko nilagyan ko ng harang 'yung kama dahil sa ayaw ko siyang makatabi sa pagtulog.

Ang mga braso niya ay nakayakap sa akin at ang kanyang isang binti ay nakadagan sa aking paa.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha na mahimbing na natutulog. Napalunok ako.

Ganito pala kagwapo 'tong mokong na 'to sa malapitan?

At saka bakit ngayon ko lang napansin 'tong mga bagay na 'to? Siguro, nagpaderma 'to o kaya may inilalagay siya sa kanyang mukha?

Sa aming tatlo, siya ang pinaka seryoso sa buhay. Parang siya na nga ang tatay namin eh. Pero, ano 'tong nararamdaman ko?

Napailing ako. Hindi! Mali! Gutom lang 'to?

Napansin ko ang pilikmata niya, mahaba ito na at makapal ang mga hibla. Matangos din ang ilong nito at may manipis na mamula-mulang labi. May maliit din na nunal sa kanyang lower lip sa bandang kaliwa.

Napalunok ako. Tila gusto kong halikan ang maliit niyang nunal.

Pumikit ako at humingang malalim. Baliw na siguro ako! Bakit ko hahalikan ang kapwa ko lalaki? Bakit? Bakla ba ako?

Umiling ako! Hahahah! Anong bakla? Eh ang laki nitong junior ko! Kahit sinong babae ay nagkakandarapa matikman lang ang alaga ko.

Ilang sandali lang ay naramdaman kong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

Naalala ko tuloy 'yung kagabi. Sariwa pa sa aking isipan 'yung pagdila ko sa kanyang katawan.

Tila nakuryente ako sa aking ginawang pagdila. Hindi sumagi sa isipan ko na gawin ang ganung bagay. Napakagat tuloy ako sa aking labi.

Grabe! Tama nga 'yung naiisip ko na matigas nga ang mga muscles niya. Lalo na sa bandang abs.

Napatingin tuloy ako sa bandang tiyan niya at para gusto ko itong madama gamit ang mga kamay ko.

Nakakagigil!

"Good morning!" Mahina at malumanay na bati ni Van.

Napatingin tuloy ako sa kanya. Nakangiting aso ang loko.

"Anong maganda sa morning? Halos hindi ako makahinga dahil sa pinatong mo na 'yung katawan mo sa akin!" Bulyaw ko sa kanya para hindi niya mapansin na kanina pa ako gising at pinagmamasdan siyang natutulog.

Lumayo siya sa akin ng kaunti. "Hahahahaha! Akala ko kasi unan!" Natatawa niyang usal.

Sarap batukan 'tong lalaking 'to!

"Nasaan na 'yung unan na hinarang ko dito? Siguro inalis mo no?!" Naiinis na tanong ko.

"Oo, gusto kasi kitang katabi." Simpleng sagot niya.

Napatigil ako dahil sa narinig.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon