Chapter 40

3.9K 152 26
                                    

A/N: Ewan ko ba? Ang cheesy ko ngayon! Hahaha! Happy reading!

Chapter 40: Vacation

POV. Brent

Huminga ako ng malalim. Kanina pa ako nai-stress sa mga kasama ko. Si Ethan na laging nakasimangot ang mukha at kay Tintin na laging inaasar at pinagseselos 'tong si Ethan.

Ngayon ay nasa kotse kami at si Ethan ang nagmamaneho. Papunta kasi kami sa resort nila Crix para magbakasyon. Nauna na sila Crix bumiyahe upang paghandaan daw ang pagpunta namin.

Sina Drei at Van naman ay didiretso na rin sa resort galing sa business tour nila sa kung saan.

Katabi ko si Tintin dito sa likod ng kotse ni Ethan. Hindi siya mapakali at parang excited na parang hindi rin. Napailing ako at hindi na lang siya pinansin.

"Brent? If you want, dito ka na lang sa harapan." Seryosong sabi ni Ethan nang hindi lumilingon sa akin. Nakatingin kasi siya sa kalsada na dinaraanan namin.

Napansin siguro niya na medyo tahimik lang ako at parang naiirita na sa katabi.

"Okay na ako rito." Mahinang sagot ko.

Tumango lang siya at ilang sandali ay nangibabaw na naman ang katahimikan sa loob ng kotse.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na, ano kaya ang magiging reaksyon nila Drei at Van kapag nalaman nila na may gusto sa akin si Ethan.

Kahit ako ay naguguluhan sa relasyon namin. Parang kami na hindi. Hindi kasi kami nakakapag-usap tungkol sa mga nararamdaman namin.

Siguro, nagkakailangan at nahihiya kami sa isa't isa, dahil nga laging nand'yan si Tintin sa tabi ko.

Pero? Hindi ba dapat kailangan mong masiguro 'yung level ng relationship niyo para hindi ka nag-aassume sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.

Sheymmsss! Masyado na akong naguguluhan.

Pumikit na lang ako at isinandal ang ulo sa may bintana. Mukhang mahaba haba ang biyahe kung kaya't matutulog na muna ako.

POV. Ethan

"Ethan, matagal pa ba?" Tanong nitong Martin na 'to.

Napakunot noo ako sa kanya. "Medyo matagal pa ang biyahe. At hindi mo ako personal driver." Naiinis kong turan.

Hanggang ngayon ay hindi mawala wala ang inis ko sa kanya. Hindi ko kasi magawa ang gusto kong gawin dahil nand'yan siya sa paligid namin ni Brent.

I sighed. I don't want to ruin my day just because of this man.

Tinutok ko na lang ang sarili sa pagmamaneho at hinayaan siyang magsalita ng magsalita. Bahala siya d'yan.

Si Brent naman ay mahimbing na natutulog. Gusto ko siyang tabihan at hindi na lang magmaneho pero hindi rin naman marunong 'tong si Martin kung kaya't nagtitiyaga na lang ako.

Masakit sa ulo pero tinitiis ko na lang.

Ilang oras din ang nakalipas nang marating namin ang resort. Hindi na ako nagulat sa ganda at laki nito dahil pangalawang beses ko na itong napuntahan.

Tumingin ako sa likod at nakita na nauna ng lumabas sa kotse si Martin, habang si Brent ay mahimbing na natutulog at mahinang humihilik sa gilid.

Lumabas ako ng kotse at nagmadali na pumasok sa nilabasan ni Martin sa likod. Agad akong naupo at tumabi kay Brent.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon