Epilogue

4.1K 141 44
                                    

A/N: I hope you enjoy this long epilogue. Hahaha char! Mahal ko kayo kaya sana mapatawad niyo ako.

Epilogue: This I promise you.

POV. Brent

Pinagmasdan ko ang bughaw na kalangitan. Hinihiling na sana marinig ni Inay at Itay ang mga panalangin ko.

Nakaupo ako ngayon sa labas ng restaurant ni boss Ann. Nagtratrabaho pa rin kasi ako rito dahil dito lang ako kumukuha ng pang-gastos ko sa pang-araw-araw, maliban sa allowance na natatanggap ko bilang scholar sa Lavigne University.

Napangiti ako. Hinding-hindi ko makakalimutan na isa ako sa mga pinalad na makapasok sa prestihiyosong paaralan na iyon.

Hindi lahat ng tao ay makakatuntong sa paaralang 'yon. Nakakatuwang isipin na ang isang tulad kong mahirap pero may dedikasyon ay napili para maging isang estudyante sa Lavigne University.

'Yung pagpapanggap ko bilang lalaki ang naging daan para mapalapit sa taong mahal ko.

Inaamin kong hindi maganda ang manloko ng kapwa at alam kong nasaktan ko rin ang mga tao na nasa paligid ko.

Pero... 'Yun ang naging daan para masimulan namin ni Ethan ang isang malafairytale na storya.

Pero.... happy ending nga ba?

Bumuntong hininga ako. I am so much grateful that I found the man of my life. My one great love.

"Inay, Itay? Tama pa ba ang naging desisyon kong ipaglaban at piliin siya?" Nanghihina at nalilito kong bulong habang nakatingin sa mga ulap.

Hindi ko maiwasang isipin ang nangyari nitong nakaraan.

"Hello? Ethan? Nasaan ka na?" Nag-aalalang tanong ko matapos niyang sagutin ang ikasampung tawag.

"Ha? Hindi kita marinig. Wait!" Malakas na sabi niya sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim. Alam kong magkakasama sila ngayon nila Van at Drei. Halata rin na nasa isang bar ang mga ito dahil sa malakas na tugtugan ang naririnig ko na nanggagaling sa kabilang linya.

"Hello?... Ano nga ulit 'yon?" Malakas niyang tanong.

"Ang sabi ko.. Nasaan ka na? Kanina pa ako naghihintay rito sa dorm. Ang sabi mo kasi sabay tayong kakain." Mahinahon kong tanong at tinignan ang orasan.

Eksaktong alas dose na ng madaling araw at hindi pa rin ako kumakain. Ang sabi kasi niya ay sabay kaming magdidinner, dahil saglit lang daw sila nina Drei at Van.

"Sorry, I can't make it! Bigla kasing nagyaya 'yung mga ka-teammates namin sa basketball." Natulala ako sandali at pilit inalis ang pagkainis.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon