Chapter 27

2.9K 126 8
                                    

A/N: Salamat po sa naghihintay ng update nito. Huhuhuhu!!

Chapter 27: The talent show: Tulad Mo (Part 2)

POV. Ethan

"D*mn!" Halos ibato ko ang cellphone dito sa kotse.

Kanina pa ako nagtext kay Drei, kahit isa walang reply. Sana naman maayos niya 'yung pinaplano ko.

I want it to be perfect.

Bakit kasi ngayon ko lang nalaman?!

Napahawak ako sa aking sintido at mahinang minasahe ito. I hope he fix things as soon as possible.

Nalaman ko rin na mamayang hapon mag-uumpisa ang talent show.

I feel nervous right now, bukod sa magiging performance ko mamaya ay iniisip ko kung makakaabot ba kami ni Crix.

Nandito ako ngayon sa kotse ko at hinihintay si Crix.

Kinakausap kasi niya ang isang empleyado rito sa resort. I think para magpaalam.

Ilang sandali lang ay pumasok na ito sa kotse. Tahimik lang siya at parang may malalim na iniisip.

Ini-start ko na ang kotse at ito'y pinaandar.

Habang nasa biyahe, tanging katahimikan ang nanaig sa amin. I don't know, maybe dahil sa nangyari kanina.

Hindi p'wede 'to!

Masisira ang plano ko kapag hindi pa kami nagka-ayos ni Crix.

Humugot ako ng lakas ng loob para magsalita.

"I'm sorry, Crix. I didn't..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil pinutol niya.

"Ethan, I am the one who entered your room. Lahat ng nangyari kanina ay kagagawan ko. It's my fault. I'm sorry." Diretsong sambit niya.

Humigpit ang hawak ko sa manibela.

Huminto kami dahil sa red light signal. Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"No, ako ang may kasalanan. Nadala ako sa bugso ng damdamin ko para sa'yo. Kaya... Nagawa ko ang bagay na 'yon... Sorry, Crix." Seryoso kong tugon.

Napaiwas siya ng tingin sa akin at inilayo ang kamay niya sa kamay ko.

Gusto ko na sanang magsalita pa ngunit may bumusina na sasakyan sa may likuran namin.

Ibinalik ko ang tingin sa kalsada dahil naka-green light signal na ito. Pinaandar ko ang kotse at hinintay siyang sumagot sa akin.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi siya nagsalita, sa halip, ito ay tumagilid paharap sa bintana. Sh*t! Bakit ko ba kasi nagawa 'yon?!

Gusto kong saktan ang sarili dahil sa nagawa ko sa kanya. Oo, inaamin kong gusto ko ang nangyari sa amin kanina. Ngunit alam kong hindi tama ang ginagawa namin.

Siya 'yung tipo ng babae na pinahahalagahan ang pagkababae nito. Ang gusto niya ay makasal muna sa taong mahal niya bago ibigay ang pinakaiingatan.

Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa ngayon. Pero sana ay mapatawad niya ako.

Ilang oras rin ang lumipas. Halos nabibingi na ako sa katahimikan. Hindi ko na lang din pinansin si Crix dahil baka naiilang siya sa nangyari sa amin.

Iba talaga ang pakiramdam ko kay Crix. Parang nag-iba siya... Parang ibang tao at hindi ko na kilala.

Ilang sandali lang ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito at nakitang si Drei ang tumatawag.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon