Chapter 45

3K 94 5
                                    

A/N: Enjoy this chapter!

Chapter 45: Italy

POV. Brent

Masakit ang ulo kong gumising. Pansin kong narito ako sa isang malambot na kama. Inilibot ko ang aking paningin. May mga prutas at pagkain sa gilid. May nakakabit din sa aking aparato at hindi ko alam ang tawag dito.

Napakunot ang aking noo. "Anong lugar 'to?" Tanong ko sa sarili. Imposible kasing hospital ito dahil para siyang isang malaking bahay.

At nakapagtataka lang, parang ang tagal kong natulog. Biglang kumalam ang aking sikmura, parang gusto kong kumain pero pinilit kong inalala ang mga nangyari sa akin nung nakaraan.

"Ahhh!" Hindi ko mapigilan hawakan ang kaliwang bahagi ng ulo ko. Medyo kumirot kasi ito.

Ilang sandali lang ay....

Tama, naaalala ko na ang nangyari sa akin. Si K-kenneth..... 'Y-yung... 'Yung ginawa niya sa akin...

Bigla akong napahinto sa pag-iisip. "Si Ethan!" Tanging nasabi ko.

Inalis ko ang lahat nang bagay na nakakabit sa katawan ko. Kita pa rin sa ilang bahagi ng katawan ko ang mga sugat dulot ni Kenneth.

Pero, nasaan ka Ethan? Bumilis ang tibok ng aking puso. Kinakabahan at nag-aalala ako.

Agad na lumabas ako ng kwarto upang hanapin si Ethan. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya!

"Ethan!" Tawag ko sa pangalan niya. Inilibot ko ang paningin ko. Nasa isang malaking bahay nga ako at hindi ito pamilyar sa akin. Tama ang hinala ko, wala ako sa hospital.

"Ethan? Nasaan ka?" Nag-aalalang tawag ko. Gusto kong sumigaw ngunit hindi ko kaya.

"Brent!" Sigaw ng isang tinig na gusto kong marinig.

Naluluhang lumingon ako sa likod ko at para akong isang tuod na hindi makagalaw nang makita ko siya.

Halos patakbo siyang lumapit sa akin.

"Brent, gising ka na!" Masayang wika niya at niyakap ako nang mahigpit.

"E-ethan.... Akala ko... A-akala ko... ano na ang nangyari sa'yo!" Nauutal at naiiyak na sabi ko sa kanya.

"Ssshhh, don't cry. You are safe now. 'Wag mo ng isipin 'yung nangyari. Okay?" Nag-aalala niyang wika.

Tumango ako at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. Siniksik ko ang mukha ko sa matipuno niyang dibdib. Parang ang tagal kasi nung huli ko siyang niyakap.

Tama, sa kanya lang ako magiging safe at kumportable. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko.

"I miss you." Malambing na bulong niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya. Feeling ko ang pula na nang mukha ko. "I miss you too." Nahihiya kong tugon.

Hinila niya ako papunta sa kusina. May mga pagkain na nakahain dito. "Kumain ka na muna mahal." Malambing na pahayag niya.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at pinipigalan ang kilig na nararamdaman. Sheymmsss! Ethan mukhang hahanap-hanapin ko sa'yo 'to lagi!

Naupo ako sa tabi niya at sinimulan ang kumain. Tamang tama lang dahil gutom nga ako. "Ang tagal mo ring natulog, Brent." Panimula niya.

Napatingin ako sa kanya at panandalian tumigil sa pagsubo ng pagkain. Mataman niya akong tiningnan at akala mo'y mawawala ako anytime sa paningin niya.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon