Chapter 18

3.2K 132 1
                                    


A/N: Maraming salamat po sa lahat ng nag-vote and comments. Hindi ko po inaasahan. Nawa'y mag-enjoy po kayo sa Chapter na 'to. Hihihi.. Love you all.

Chapter 18: Nyctophobia

POV. Andrei

Pinagmasdan namin si Ethan na kayakap si Brent. Masakit din naman para sa akin na makita si Brent sa ganitong kalagayan pero hindi naman ako aabot sa puntong may pagyakap.

Napailing ako. Sabagay, bestfriend nga raw sila. Hahahaha!

"I want to find the person behind this incident." Gigil na sabi ni Van.

Napalingon ako sa kanya. Malalim ang iniisip niya. Nabigla ako nang tumayo siya at aktong aalis.

"Teka...." Naputol kong sabi at napatayo pa. Hindi ko na siya naabutan dahil halatang nagmamadali. Napabuntong hininga ako.

Sasabihin ko sana na kung p'wede sumama dahil nao-op ako dito sa dalawa. Hindi man lang kami napansin.

Umupo na lang ulit ako at pinagmasdan si Brent. Takot na takot siya at hindi alam ang gagawin.

Nanginginig din ang katawan at patuloy na humihikbi.

Napakunot noo ako. Humigpit ang yakap ni Ethan kay Brent. Sh*t bakla ba sila?

Napailing ako. Magkayap lang bakla na?

Bakit ko ba naiisip na bakla sila? Tsk. Tumayo na ako at inayos ang aking damit.

Makaalis na nga. Wala naman akong gagawin dito. Ayaw ko naman maki-yakap sa kanilang dalawa. Ang awkward naman na nu'n.

Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang ay sumalubong sa akin sina Wincel at Crix na halatang nagmamadali papunta rito.

"Drei? Anong nangyari kay Brent?" Nag-aalalang tanong ni Wincel at gayundin si Crix.

Napailing ako. "Sorry, Wincel." Pagkasabi ko pa lang ay agad bumuhos ang luha sa mga mata niya halos humagulgol na nga siya sa pag-iyak.

"B-bakit?!... B-bakit nangyari sa kanya 'to. A-ang bata pa niya para mamatay." Humihikbing sambit ni Wincel habang si Crix ay naiiyak na rin.

Napakunot noo ako. "Sinong namatay?" Nalilitong tanong ko at nagready na rin para umiyak.

"S-si B-Brent!" Nauutal na sabi ni Crix.

"Ha?" Gulat kong tanong. Paano mamamatay si Brent eh nasa loob na siya ng clinic.

"'D-Di ba sabi mo?" Nagtatakang tanong ni Wincel.

"Wala akong sinabing ganyan. Nand'yan siya sa loob. Puntahan niyo na lang." Sagot ko at iniwan silang dalawa. Napailing ako.

Grabe ang weird ng mga tao. Hanapin ko na lang kaya si Van ng may magawa ako. Nasaan na kaya 'yon?

POV. Wincel

Kasama ko ngayon si Crix dito sa clinic dahil nalaman namin na nandito si Brent.

Si Jennifer naman ay malamang nasa library at wala pa ring ka-alam alam sa nangyayari. Hindi naman namin siya ma-contact dahil nag-o-off siya ng cellphone kapag nasa library.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko mapigilan ang mga luha na dumadaloy mula sa aking mata. Malaman ko pa lang na nasa ganitong kalagayan si Brent, sumasakit na ang puso ko.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon