A/N: Hi? Kamusta? Hihihi! Malapit na matapos ang "Pretending for you", sobrang na eexcite na ako sa ending lalo na sa susunod kong story na gagawin. Hehehe! Anyway, Enjoy reading! Muahhhh!
Chapter 49: Selos
POV. Drei
"Ethan, ano ka ba?! Mamaya na lang. Baka magising si Drei." Mahinang bulong ni Brent.
Bwiset! Ilang araw na ba silang ganyan kapag umaga! Huhuhu! Dapat hindi na lang namin sila tinulungan magkabalikan.
Tinakpan ko ng unan ang tainga ko. Sa palagay ko naman ay nakita nilang gising ako.
Gusto ko pang matulog! Susulutin ko 'yung bakasyon dahil walang pasok. Hirap na hirap pa naman akong bumangon kapag ganito.
"Don't worry. Masasanay din 'yan sa atin." Natatawang sagot ni Ethan.
D*mn! Sinasadya talaga nitong lalaki na mang-asar!
Umupo ako at tumitig kina Ethan at Brent. Nasa iisang kama silang dalawa at magkayakap.
Simula kasi ng nag-ayos sila ay pinipilit ni Ethan na tumabi sa kama ni Brent!
Dinuro ko si Ethan. "Ikaw! Tigil tigilan mo 'yang pang-aasar sa akin ah! At p'wede ba tigilan mo na rin si Brent!" Alam kasi ni Ethan na ayaw na ayaw ko ang maingay sa umaga.
Langhiya ka Ethan!
"Hahaha! Binibiro ka lang!" Natatawa niyang sambit sa akin.
Inis akong tumayo rito sa kama ko! Napansin ko rin na wala si Van dito sa kwarto.
Sa'n kaya nagpunta 'yon? Baka hindi rin nakatulog dahil sa sweetness nung dalawa.
Napangiwi ako. Sweetness?! PWE!!!
Napailing ako at dumiretso sa banyo. Naligo, sipilyo at pagkatapos ay nagbihis na rin. Wala rin naman akong magagawa kung pipilitin ko pang matulog.
Lumabas na ako sa banyo at 'yung dalawa ay busy pa rin sa isa't isa.
Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto ng kwarto.
"Bro, Tara na at mag-almusal na tayo." Pag-anyaya sa amin ni Van. Agad tumayo sina Ethan at Brent.
Tss.. Mukhang nagutom na ata.
Tumango ako kay Van at sumunod sa kusina. Mukhang si Van ang nagluto ng breakfast. Halata kasing pagod siya.
Nang marating ko ang kusina ay napatingin ako kay Brent na ngumiti sa akin at si Ethan naman ay nakakunot noong nakatitig sa akin.
Umupo ako sa harapan ni Brent. "What?" Asar na tanong ko kay Ethan habang si Van naman ay nagtitimpla na ng kape ko.
"Saan ka pupunta at bihis na bihis?" Nagtatakang tanong ni Ethan. Napatingin tuloy sa akin 'yung dalawa, sina Van at Brent.
Hala! Parang hindi naman ako nakita kanina na gan'tong suot!
Pinagmasdan ko ang sarili. Simpleng white polo at black pants ang suot ko. Napailing akong tumingin sa kanila at pagkatapos ay dahan dahang ngumiti.
"Sadyang gwapo lang talaga ako." Natatawang sabi ko at napaayos pa ako sa aking buhok.
Lumapit sa akin si Van dala ang kape ko at parang padabog niya pang inilapag ito sa mesa.
BINABASA MO ANG
Pretending For You [boyxboy]
Ficción General"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRETENDING TO BE A STRAIGHT MAN." -Brent Joseph Flores THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE...