A/N: Enjoy Reading
---------------------
Chapter 3: The Decision
POV. Brent
Maaga akong nagising upang maghanda ng almusal. I'm sure maghahanap sila nang pagkain pag-gising. Kumain na ako at naghanda na sa pagpasok.
Ang schedule ko 'pag M/W/F ay after lunch time at 'pag T/Th/S naman ay alas-otso nang umaga. Ngayon ay Tuesday, it means maaga akong papasok. Nakakatamad naman.
Naalala ko ang nangyaring moments sa amin kagabi ni Ethan. 'Yung pag-akbay niya sa akin, pag-hawak niya sa kamay ko, pagpunta namin sa field at 'yung mga napag usapan namin.
Nakapagdesisyon na akong sabihin sa kaniya na bakla ako. Ayo'kong maglihim sa kaniya. Kaya mamaya sasabihin ko ang mga dapat niyang malaman. Kinakabahan man ay kailangan ko pa ring gawin.
Kinuha ko ang bag ko at nagtungo na sa LU na kung saan ako aattend ng first class.
Habang tinitignan ko ang schedule at room na na-assigned sa akin ay may bigla akong nabangga. Nagulat ako dahil napatumba siya sa naging banggaan namin. Ay WEAK hahaha.
"Miss, sorry. Hindi ko kasi tinitignan ang dinaraanan ko." Paumanhin ko at tinulungan siyang makatayo.
"Okay lang. Sorry din. Hindi rin kasi ako tumitingin sa daan." Pag-hingi rin niya ng paumanhin.
Ngumiti siya sa akin. Mas maganda pala siya sa malapitan.
Ngumiti din ako sa kaniya dahil nakakahawa ang ngiti niya. Akala ko, sisigawan niya ako at sasabihin na ako ang may kasalanan ngunit inako niya din ang pagkakamali at humingi pa ng paumanhin.
"Transferee ka ba?" tanong niya at tumango na lamang ako.
"Patingin nga ako ng schedule mo baka matulungan kita." Aniya at ibinigay ko naman ito.
"Wow, same schedule pala tayo sa dalawang magkasunod na subject at after lunch din." Biglaan niyang pagkakasabi.
Nagulat ako dahil unexpected na may pareho kaming schedule.
"Ako nga pala si Angel Crix Adriano. Crix na lang ang itawag mo sa akin. Ikaw?" Pagpapakilala niya.
"Brent Joseph Flores. Brent na lang for short." Usal ko.
"Friends na tayo ha? Tara, baka malate pa tayo." Anyaya niya sa akin.
"Sure, Tara." Pagpayag ko.
Mukhang napakabait at ang friendly niya. Isa siguro ito sa mga dahilan kung bakit nagustuhan siya ni Ethan. Naguguilty tuloy ako.
Nandito na kami sa room at wala pa rin ang Prof.. Malaki ang room namin. Ang mga kablockmates ko naman ay napalingon sa akin.
Napatingin ako sa mga babaeng malagkit kung tumingin. Okay! Iwwwness talaga. Huhuhu bakit ba sila gan'yan hindi kami talo. Napairap na lang ako.
Umupo ako sa tabi ni Crix dahil ang sabi niya ay wala naman nakupo sa bandang kanan niya. May ipapakilala siya sa akin na friends din niya. Nag CR lang daw ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Pretending For You [boyxboy]
General Fiction"Pretending is really hard to do but for you I will sacrifice everything just to be with you, even if pretending to be a STRAIGHT MAN..... YES !! PRETENDING TO BE A STRAIGHT MAN." -Brent Joseph Flores THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE...