Chapter 31

3.5K 118 16
                                    

A/N: Happy reading!

Chapter 31: Oddest Feeling

POV. Brent

"Hindi ko alam kung bakit ka ganyan ngayon, Brent. Pero sa ngayon, kung anuman ang problema mo. Nandito lang ako para sa'yo." Seryosong bulong niya sa akin.

Gusto ko siyang itulak palayo sa akin, p-pero bakit hindi ko magawa?!

Ang mga bisig niya ay nakayakap pa rin sa akin habang ako ay patuloy na lumuluha.

Pumikit ako habang pinupunasan ang luha. Ilang sandali ay humiwalay siya ng yakap at tumayo.

Napatingin ako sa kanya. Bakas sa mukha niya ang pagkaseryoso. "Are you okay now?" Nag-aalalang saad niya.

Huminga ako ng malalim at nagsalita. Sinigurong hindi mauutal sa sasabihin.

"Salamat." Mahina kong tugon.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Ayaw kong mahalata o malaman niya na siya ang problema ko.

"Halika, sumama ka sa akin." Seryosong pahayag niya. Napatigil ako sandali dahil baka mali ang pagkakarinig ko.

S-sumama? B-bakit?

Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Agad ko itong isinuot sa aking likuran. Balak ko sanang umalis at iwan siya ngunit nabigla ako ng hilain ni Ethan ang kanang kamay ko.

"E-ethan?" Nauutal na tawag ko. Lalo akong nanlamig nang madikit ang balat niya sa balat ko.

Tumingin ako sa mga mata niya. Seryoso at parang sinasabi na dapat sa tabi niya lang ako.

Hindi ko maintindihan kung bakit ka ganyan! Hindi ko na alam kung ano ang iniisip mo, Ethan.

Nag-umpisa na kaming maglakad. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Para akong isang preso na tatakas at hirap kumawala sa nagbabantay.

Napansin kong ang mga estudyante na nadaraanan namin ay nagtatakang nakatingin sa amin.

Hindi ko na lang sila inintindi. Tinuon ko na lang ang pansin sa taong humihila sa akin.

Parang wala siyang pakialam sa mga nakakakita sa amin at patuloy pa rin siya sa paglalakad.

Napangiwi ako. Medyo sumasakit na kasi ang paa ko dahil sa bilis ng paglalakad niya.

Ilang sandali lang ay nakarating kami rito sa parking lot ng LU. Kahit na napansin kami ng guard ay parang wala siyang pakialam dito.

Tuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa kanyang ducati. Ibinigay niya sa akin ang helmet niya at sumakay siya sa motor.

"Ethan? Sa'n tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong. Hindi naman p'wede akong manghula.

"Basta! Sumkay ka na." Seryoso at maawtoridad niyang tugon. Kahit na natataranta ay agad kong sinuot ang helmet at sumakay sa may likuran niya.

Sheymmsss! Napahawak ako sa bandang tiyan niya nang bigla siyang umandar.

Naramdaman ko ring bigla siya natawa sa naging reaksyon ko. "Ethan!" Naiinis kong saad.

"Hahaha! Sorry! Gusto ko lang humawak ka ng mahigpit sa akin." Natatawa niyang sambit.

Literal na lumaki ang mata ko sa narinig. Napalunok ako at halos nanginginig na rin ang kamay kong nakahawak sa tiyan niya.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon