Chapter 14

3.2K 141 10
                                    

A/N: Enjoy reading beybe... Easyhan lang natin. Hahahaha!!

Chapter 14: The Date

POV. Andrei

Napakamot ako ng ulo. Bakit ba ang aga ko nagising?

Hayss! Oo nga pala! Hindi ako nakatulog. Pa'no ba naman text ako nang text, kahit isa lang na reply hindi pa magawa.

Kahit kailan talaga 'yung babaeng 'yon. Mahirap maunawaan. Siya na nga ang nilalapitan siya pa ang galit. Aba? Wala na siyang mahahanap na tulad ko.

Napailing ako at natawa. Baka akala niya susuko ako. Never in my entire life na susuko lang sa isang babae.

Hinding-hindi mangyayari 'yun. Ako yata si Andrei Young. At soon, ang Young na apelyido ko ay magiging kanya.

Hahahaha! "Sheena Marie Valdez Young" Tama! Bagay nga!

Lumabas ako ng kwarto. Wala sa loob si Ethan, sa'n kaya 'yon nagpunta? Sina Van at Brent naman ay tulog pa. Sabagay, mamaya pa naman ang pasok namin.

Sa kusina, nakita ko si Ethan na parang baliw. Pa'no? Nangingiti mag-isa. Katext na naman siguro si Crix. Napailing ako. Love, love, love,... Sana magkaro'n ako niyan.

"Oh? Tigilan mo nga 'yang kakangiti mo d'yan." Inis na sabi ko at napalingon siya sa akin.

Minsan, iniiwasan ko rin naman 'wag maging bitter.

"Bro! Sure na daw si Crix... Na matutuloy na ang date namin ngayong araw." Ngiting-ngiti niyang sabi sa akin at kulang na lang ay magtatatalon siya sa harapan ko.

Napailing ako. "Sabi ko naman sa'yo, lahat 'yan nagloloko." Seryosong usal ko.

Napakunot ang noo niya. "Pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayo!" Dagdag ko.

"Bro! Kung may problema ka, magsabi ka lang! Hindi 'yung nagkakatol ka d'yan mag-isa. Sinisira mo lang ang buhay mo." Seryoso niyang pahayag.

Ako naman ang napakunot ang noo. Hindi ba p'wedeng sariling experience ko ang sinasabi ko! Tsk.

Tumapik siya sa balikat ko at tumawa ng malakas.

"Hahaha! Epic 'yang mukha mo bro." Aniya at dinuro duro pa ako gamit 'yung cellphone niya.

"Bro! For your info! Hindi ako nagkakatol! Tska, kagabi nga ikaw pa 'yung mukhang may problema o nagkakatol sa atin eh." Bulyaw ko at napalayo siya sa lakas ng boses ko.

Pa'no ba naman, si Brent daw hindi nagpaalam kung sa'n pupunta. Text daw siya ng text at nakailang tawag na raw siya at walang sumasagot.

Halos mahilo na nga ako dahil sa kakalakad niya at paulit-ulit na tawagan ko rin daw si Brent.

Napailing ako. Daig pa niya ang mga syota ni Brent sa ikinikilos niya.

Minsan naiinggit na ako kay Brent. Maraming chicks eh! Hahaha!

Pagkatapos, nang dumating si Brent ay para siyang nahimasmasan na ewan.

Halos gumuhit sa mukha niya ang saya at ginhawa nang makita si Brent na maayos ang lagay.

Feeling ko nga mas close pa silang dalawa kaysa sa amin ni Van na halos simula pagkabata pa lang kami ay magkaibigan na.

Parang kapatid na nga ang turingan namin sa isa't isa.

Pretending For You [boyxboy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon